(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 13 September 2024) Southwest Monsoon affecting Southern Luzon, Visayas, and Mindanao. Trough of Severe Tropical Storm (BEBINCA) affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Strong winds coming from Southwest will prevail with moderate to rough seas (2.8 to 3.7 meters).


Tuesday, 20 August 2024

DBM itinutulak ang Nat’l Gov’t Rightsizing Program

MANILA -- Bilang mahalagang kasangkapan sa pagsisikap na punan ng mga manggagawang job order at contract of service ang mga bakanteng plantilla position sa gobyerno, muling iginiit ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang pangangailangang maisabatas ang National Government Rightsizing Program (NGRP). Maaaring humantong ang NGRP sa reclassification ng mga posisyon upang punan ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno nang matiyak ang pinakamainam na paggamit ng mga manpower resource sa buong burukrasya.

Itinutulak ng DBM ang pagsasabatas ng panukala na bahagi ng mga priority bills sa ilalim ng Common Legislative Agenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Nang tanungin kung paano matutugunan ang matagal nang isyu sa mga hindi napunan na posisyon sa gobyerno, binigyang-diin ni Sec. Pangandaman na isang paraang upang malutas ito ay sa pamamagitan ng NGRP. 

"The Rightsizing Program po will fix the long-standing issue on unfilled positions. Hindi lang po 'yan basta pagtanggal at pagsama-sama nung mga ahensya but at the same time, we wanted to also fix the positions, and then do reclassifications within departments and agencies across the national government," pahayag ni Pangandaman sa  public hearing ng Senate Committee on Finance ukol sa budget ng DBM noong ika-19 ng Agosto.

"We hope that the proposed bill will be passed into law this year. Ang overarching goal naman po dito ay magkaroon ng burukrasya na agile at responsive, Lalo na sa makabagong panahon. Ayaw naman po natin ng gobyerno na masyadong bloated tapos hindi naman po maganda ang serbisyo. Sayang ang pera ng taumbayan. We will do this by determining which among the government agencies may be streamlined, and which among them need to be strengthened," ani ng kalihim.

Itinataguyod ng NGRP ang isang lean, efficient, at responsive government workforce sa pamamagitan ng pag streamline ng mga operasyon ng ahensya,  pag-right size ng kanilang organizational structure at workforce complement, pagpapabuti ng interoperability sa mga ahensya ng gobyerno, at pag-aalis ng mga tungkulin, programa, at proyekto na inuulit,   overlapping, o hindi na kailangan.

Kanya ding iminungkahi ang reclassification ng mga posisyon upang punan ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.

"Puwede po kami maglabas ng circular of sorts— the Civil Service [Commission] and DBM to really encourage – across the board po – lahat ng agency to already reclassify and fill up their positions," ani ni Pangandaman.

"Hindi po kasi lahat nagre-request. Depende po talaga sa priorities ng department and agency," dagdag niya.

Matatandaan na, ayon sa budget secretary, ang NGRP ay isa sa mga mahahalagang hakbang na naglalayong isulong ang operational efficiency at matagumpay na tutugon sa underspending, kasama ang pagpapatupad ng New Government Procurement Act, digital transformation, at Cash Budgeting System, bukod sa iba pa. (DBM/PIA-Caraga)