Iba’t ibang ahensiya, lokal na yunit ng pamahalaan, gagawaran ng KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko
Gagawaran ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2024 ang iba’t ibang ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan na sumunod sa implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 at nagpamalas ng kahusayan sa paggamit ng Filipino bilang wika ng serbisyo publiko.
Makatatanggap ng Antas 1 ang: Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon (MTRCB), Ahensiyang Pang-impormasyon ng Pilipinas (PIA); Barangay Hagdang Bato Itaas, Lungsod Mandaluyong; Kagawaran ng Edukasyon-SDO Catanduanes; Barangay Ususan, Lungsod Taguig; Kagawaran ng Edukasyon-SDO Sorsogon; Pamahalaang Lungsod Valenzuela, Pamahalaang Bayan ng Pateros; at Pamahalaang Bayan ng Pililia, Rizal.
Makatatanggap ng ANTAS 2 ang: Pamahalaang Lungsod ParaΓ±aque; Kagawaran ng Paggawa at Empleo-Kawanihan ng mga Manggagawang may Tanging Pangangailangan (DOLE-BWSC); Kagawaran ng Agham at Teknolohiya-Sanggunian ng Pilipinas para sa Pananaliksik at Pagpapaunlad ng Industriya, Enerhiya, at Bagong Teknolohiya (DOST-PCIEERD); Pamahalaang Lungsod Pasig; Brgy. Lower Bicutan, Lungsod Taguig; at Kagawaran ng Agrikultura (DA- Dibisyon ng Impormasyong Pang-agrikultura at Pampangisdaan).
Makatatanggap ng ANTAS 3 ang: Kagawaran ng Edukasyon-SDO Camarines Sur; Kagawaran ng Edukasyon-SDO Lungsod Naga; Sentrong Medikal Amang Rodriguez (ARMMC); Pamahalaang Lungsod Sto. Tomas, Batangas; Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan; Kagawaran ng Edukasyon-SDO Legazpi; Pamahalaang Bayan ng Marilao; Kagawaran ng Edukasyon-SDO Camarines Norte; Kagawaran ng Edukasyon-Lungsod Ligao; Kagawaran ng Edukasyon-SDO Albay, Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG).
Makatatanggap naman ng Antas 4 ang: Kagawaran ng Edukasyon-SDO Iriga; Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR); Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino (QMMC); Pamahalaang Lungsod Pasay; Pamahalaang Lungsod Sta. Rosa, Laguna, Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA); at Sentrong Medikal ng Rizal (RMC).
Makatatanggap naman ng KWF Dangal ng Serbisyo Publiko 2024 ang Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon V-Bicol habang Finalist naman ang Barangay Del Rosario, Lungsod Iriga at Barangay Bagumbayan, Lungsod Taguig.
Ang KWF Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ay pagpapaigting ng kampanya hinggil sa implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran/ kawanihan/tanggapan/ahensiya/ instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.
Timpalak at parangal itΓ³ para sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan na sumunod sa implementasyon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 at nagpamalas ng kahusayan sa paggamit ng Filipino bilang wika ng serbisyo publiko. (KWF/PIA-Caraga)