PH open gov't partnership hangad ang partisipasyon ng mamamayan
Binigyang-diin ni Department of Budget and Management Secretary Mina F. Pangandaman ang kahalagahan ng mga proyekto ng gobyerno sa ilalim ng Philippine Open Government Partnership (PH-OGP) upang maabot ang pangarap na magandang buhay ng bawat Pilipino.
Sa ginanap na Fourth Quarter Steering Committee Meeting noong
November 23, 2023 sa Davao City, muling ipinunto ni Secretary Pangandaman ang
layunin ng PH-OGP na itatag ang bukas na pamamahala, alinsunod sa direktiba ni
Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na tiyakin ang transparency at full
digitalization sa gobyerno upang aktibong makalahok ang mga mamamayan.
“Para sa Bagong
Pilipinas at mga Pilipino, let us remember that every commitment, every
program, and every action plan that we implement is a make-or-break for our
kababayans who are dreaming of better quality and decent lives and aspire for a
better Philippines with us,” pahayag ni Secretary Pangandaman na siya
ring Chairperson ng PH-OGP Steering Committee.
Sa idinaos na 6th PH-OGP National Action Plan Commitment Review,
tinalakay ang iba’t ibang mga programa upang mas ilapit ang mga serbisyo ng
gobyerno sa publiko.
Kabilang sa mga programa ang Improved Public Access to Quality,
Free, or Affordable Legal Services ng Supreme Court at ang Digital Information
for Monitoring and Evaluation (DIME) Project ng DBM, gayundin ang Driving
Responsive and Innovative Participation of Vulnerable Sectors towards
Empowerment in Local Governance ng Department of Interior and Local Government.
Ngayong araw naman gaganapin ang final leg ng pag-iikot ng
OGPinas ngayong taon, kung saan magkakaroon din ng one-stop shop for government
services para sa publiko. (DBM/PIA-Caraga)