(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 14 October 2024) Shear Line affecting Extreme Northern Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from Southeast to Northeast will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.1 meters).


Friday, 10 November 2023

P58-B inilaan sa hudikatura para sa mas epektibong pangangasiwa ng hustisya sa bansa

Sa gitna ng pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging mahusay at maaasahan ang pangangasiwa ng hustisya sa bansa, naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P57.79 bilyon para sa sangay ng Hudikatura sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.

Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman, mas mataas ang alokasyon para sa sangay ng Hudikatura sa susunod na taon kumpara sa kasalukuyang pondo nitong P54.91 bilyon sa Fiscal Year 2023 General Appropriations Act.

“The recommended level for the Judiciary represents 1.0020 percent of the total government expenditure program to fast-track the much-needed reforms in the administration of justice as envisioned by the Judiciary, Executive, and Legislative Advisory and Consultative Council (JELACC),” pahayag ng budget secretary.

Naka-angkla sa temang, "Agenda for Prosperity: Securing a Future-Proof and Sustainable Economy," ang pinapaaprubahang Fiscal Year 2024 national budget na nagkakahalagang P5.768 trilyon.

Mula sa nasabing halaga, P27.65 bilyon ang inilaan para sa adjudication program ng Supreme Court of the Philippines and the Lower Courts (SCPLC), Sandiganbayan, Court of Appeals (CA), at Court of Tax Appeals (CTA).

Patuloy ding ipatutupad ng Hudikatura ang Justice System Infrastructure Program (JUSIP), na susuportahan ng P4.19 bilyong alokasyon sa capital outlays para sa konstruksyon, pagkukumpuni, at rehabilitasyon ng mga hall of justice sa buong bansa.

Maliban dito, mayroon ding P1.442 bilyon na nakalaan para sa mga kinakailangan sa ICT tulad ng Cybersecurity solutions, pag-renew ng security applications ng SC, pagpapabuti ng koneksyon at mga server ng data, at pagbuo ng mga e-Filing at e-Service Module sa ilalim ng justice sector convergence program.

Sa layon namang magpatuloy ang pagsasagawa ng bar examinations sa isang computerized na format at mapanatili ang momentum ng paglipat tungo sa isang technology-driven na Hudikatura, ang alokasyon para rito ay itinaas sa P720.956 milyon mula sa P510 milyon nitong pondo ngayong 2023. Samantala, ang Special Shari'ah bar examinations ay may alokasyong P100 milyon sa FY 2024 NEP. (DBM/PIA-Caraga)