(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 09 January 2026) Shear Line affecting Palawan and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. Easterlies affecting Mindanao. Caraga, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental and Zamboanga del Norte will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides during moderate to at times heavy rains. Rest of Mindanao will be partly cloudy to cloudy with isolated rainshowers or thunderstorms caused by Easterlies. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Moderate to strong winds from northeast to north prevails over the eastern section with moderate to rough seas (2.1 to 3.5 meters). Elsewhere, light to moderate winds from the northeast to north with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Wednesday, 25 October 2023

MOA nilagdaan para pasiglain ang wikang Inata

LUNGSOD NG BUTUAN -- Isinagawa ang lagdaan ng memorandum ng kasunduan para sa pagtatayo ng programang Bahay-Wika at Master-Apprentice Language Learning Program para sa muling pagpapasigla ng wikang Inata noong Oktubre 19, 2023 sa Barangay Celestino Villacin, Cadiz, Negros Occidental.

Kasama sa mga lumagda sa kasunduan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Tagapangulo Arthur P. Casanova at Komisyoner Carmelita C. Abdurahman; Gobernador Eugenio Jose V. Lacson ng Negros Occidental; Mayor Salvador G. Escalante ng lungsod Cadiz; Assistant School Division Superintendent Julito Felicano, kasama si Department of Education (DepEd)-Cadiz Superintendent Arlene Bermejo; Punong Barangay Arlene N. Verbo ng Brgy. Celestino Villacin, Cadiz; at indigenous peoples (IP) leader ng komunidad ng Ata sa Sityo Manara, Garry Consing. 

Ang wikang Inatá ay ang katutubong wika ng mga Atá. Sinasalita ito sa apat na komunidad ng mga Atá sa lalawigan ng Negros Occidental partikular sa bayan ng Cadiz, Sagay, Calatrava, at Salvador Benedicto. Batay sa pagtataya ng mga namumuno sa komunidad ng Sityo Manara, halos nása 10% o 30 miyembro na lámang ang nakapagsasalita ng kanilang katutubong wika sa kanilang komunidad at karamihan dito ay mga nakatatandang miyembro na lamang ng komunidad. 

Sa kasalukuyan, Hiligaynon at Sebwano na ang wikang ginagamit ng kanilang komunidad sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Sa tahanan, Hiligaynon din ang wikang ginagamit ng mga pamilya sa kanilang komunidad. Kaya naman, ito na rin ang unang wikang natutuhan ng kanilang mga anak.

Isang paraan upang mapangalagaan at muling mapasigla ang mga wikang nanganganib nang mawala gaya ng wikang Inata ay ang paglulunsad ng Language Immersion Program katulad ng Bahay-Wika at Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP).

Noong araw ding iyon, ipinagkaloob sa mga Ata ang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) na pinangunahan ng Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan o NCIP Rehiyon 6 at 7. (KWF/PIA-Caraga)