(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 13 September 2024) Southwest Monsoon affecting Southern Luzon, Visayas, and Mindanao. Trough of Severe Tropical Storm (BEBINCA) affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗖𝗔𝗦𝗧 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗖𝗢𝗡𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗢𝗥𝗘𝗖𝗔𝗦𝗧 𝗪𝗜𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧𝗔𝗟 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗖𝗢𝗡𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡: Strong winds coming from Southwest will prevail with moderate to rough seas (2.8 to 3.7 meters).


Thursday, 19 October 2023

KWF nanawagan sa publiko na lumahok sa Aklat ng Bayan

BUTUAN CITY -- Inaanyayahan ang lahat na magpása ng panukalang aklat para sa Aklat ng Bayan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Tatanggap ang patnugutan ng Aklat ng Bayan ng teknikal na mga akda, saliksik pangwika, malikhaing akdang pampanitikan na nakasulat sa Filipino at sa mga katutubong wika sa Pilipinas gaya ng Sebwano, Chavacano, Hiligaynon, Ilocano, Waray, Bikol, Kapampangan, Tausug, Mëranaw, Kinaray-a, Surigaonon, at iba pa. 

 

Bukás ang panawagan para sa lahat ng manunulat, editor, mananaliksik, at tagasalin sa Filipino at mga katutubong wika. Hinihikayat rin ang mga baguhang manunulat na magsumite.

Layon ng proyekto na palakasin pang higit ang paggamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Pilipinas. Gayundin, target nitóng matipon ang mahahalagang akdang pumapaksa sa wika at kultura ng bansa na magagamit sa pag-aaral, pagtuturo, at pananaliksik ng mga estudyante, guro, at iskolar.

Mga Panuntunan:

1. Maaaring magsumite ng aklat alinman sa sumusunod na paksa:
• Diksiyonaryo
• Koleksiyon ng mga saliksik sa araling kultural
• Koleksiyon ng mga saliksik sa araling pagsasalin
• Mga saliksik sa sosyolingguwistika, ponetika, ponolohiya, morpolohiya,
pragmatika, sintaks, at semantika ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika
ng Pilipinas
• Koleksiyon ng kritikal na pagsusuri ng mga akdang pampanitikan
• Koleksiyon ng mga maikling kuwento
• Koleksiyon ng mga sanaysay
• Koleksiyon ng mga dulang may isang yugto
• Salin sa Filipino ng klasikong akdang rehiyonal (ililimbag na bilingguwal)
• Salin sa katutubong wika ng klasikong akdang nakasulat sa Filipino o Ingles o iba
pang mga wika sa mundo (ililimbag nang bilingguwal)
• Teknikal na mga akdang nasusulat sa Filipino (batas, medisina, agrikultura,
populasyon, edukasyon, disaster, financial literacy, urban planning, engineering,
negosyo, etc.)

2. Orihinal at hindi pa nailathala o naipása sa ibang publikasyon ang akda.

3. May kasámang sinagutang pormularyo ang isusumiteng mga akda. Maaakses ang
pormularyo sa link na ito:
https://drive.google.com/.../1_S0.../view...

4. Naka-encode sa word file ang isusumiteng mga akda, may 1.5 espasyo, font style na
Arial, at font size na 11.

5. Maglakip ng bionote ng (mga) may-akda. Isaad ang iyong kasalukuyang posisyon, institusyon, espesyalisasyon, mga nailimbag na akda at saliksik.

6. Isumite ang mga akda kasáma ang pormularyo sa kwf-publikasyon@kwf.gov.ph.

7. Para sa mga saliksik, sanaysay, pagsusuring pampanitikan, at teknikal na akda, dapat
taglay nitó ang kompletong mga bahagi ng isusumiteng akda lakip ang sumusunod:

• Introduksiyon
• Talaan ng nilalaman
• Bibliyograpiya
• Mga talâ
• Glosaryo
• Bionote ng awtor, mga kontribyutor, editor, at katuwang na mga editor
• Katibayan ng pahintulot mulâ sa lehitimong may-ari ng ginamit na mga guhit o
larawan na may lakip na deskripsiyon

9. Para sa mga malikhaing akda, kompletong akda kalakip ang:

• Introduksiyon
• Talaan ng nilalaman
• Talâ ng editor o tagasalin
• Bionote ng awtor, editor, katuwang na mga editor, kontribyutor, at tagasalin

10. Kinakailangang nakaalinsunod sa mga tuntúnin ng KWF Manwal sa Masinop na
Pagsulat ang isusumiteng panukalang aklat at sa estilo ng Chicago Manual of Style
(CMOS) para sa mga talâ, talababâ, at bibliyograpiya.

11. Sa pagsusumite gámit ang email, gamítin ang format na: APELYIDO-GENRE-KWF-
PUB2023

Halimbawa: REYES-SALIKSIK-KWF-PUB2023

12. Sa 31 Disyembre 2023 ang hulíng araw ng pagsusumite. Para sa mga karagdagang
impormasyon, tanong, at/o paglilinaw, maaaring tumawag sa (02) 899-606-70 at
hanapin si G. Evie Duclay o kayâ ay mag-email sa kwf-publikasyon@kwf.gov.ph.

13. Tanging ang mga nakapasá lámang sa ribyu ang makatatanggap ng pabatid
makalipas ang tatlumpung (30) araw matapos ang dedlayn. Ang karapatang-sipi ng
lahat ng mga isinumiteng panukalang aklat ay mananatili sa mga may-akda.

(KWF/PIA-Caraga)