Mahigit P8B pondo ng DPWH sa 2024, pabibilisin ang socioeconomic development
Pinaglaanan ng P822.2 bilyong pondo sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP) ang Department of Public Works and Highways (DPWH) — isa sa mga ahensiyang inaasahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tutulong upang maisakatuparan ang 8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyon sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho at pagpapababa ng gastusin sa transport at logistics sa ilalim ng Build Better More Program.
Binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM)
Secretary Amenah F. Pangandaman ang pangangailangan na agarang maipatayo ang
karagdagang pampublikong pasilidad kabilang na ang mga kalsada at tulay, upang
tuluyang makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa naranasang pandemiya.
“As highlighted by the President during his second State of the
Nation Address (SONA), infrastructure development is one of the key drivers of
our continuing economic growth. As such, we will sustain this momentum through
the Build Better More Program. This will prioritize physical connectivity
infrastructure such as road networks and railway systems,” pahayag ni Secretary
Pangandaman.
Inatasan ang DPWH na pabilisin ang infrastructure development,
gayundin ang tuluy-tuloy na operasyon nito upang tiyakin ang ligtas, maayos at
maaasahang national road system, gayundin ang pagprotekta sa mga buhay at
ari-arian laban sa mga matitinding pagbaha.
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ
Kabilang sa mga pangunahing programa ng DPWH na binigyan ng
malaking alokasyon ng pondo ay ang Flood Management na aabot sa P215.643
bilyon, para sa 965 na mga proyekto ng pagpapagawa o rehabilitasyon ng
malalaking river basin at ilog.
Kasunod nito ang Convergence at Special Support Program na may P174.089
bilyong panukalang badyet.
Para sa Network Development, nasa P148.112 bilyon ang ilalaan
para sa paggawa ng 721.656 kilometro ng mga bagong kalsada gayundin sa
pagpapalawak at pagkukumpuni ng 647.288 kilometrong nagagamit nang mga
lansangan.
Sa Asset Preservation naman, naglaan ng P115.588 bilyon para sa
preventive maintenance ng 1,196.398 kilometro ng mga daan at upgrade ng 798.711
kilometro ng napinsalang mga kalsada.
May pondong P45.839 bilyon din ang nakalaan sa Bridge Program
para sa pagpapagawa ng 15,208.83 lineal meters ng mga tulay gayundin sa
maintenance, retrofitting, repair at rehabilitation, pati na ang pagpapalapad
ng 525 na mga tulay.
๐๐ฏ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐
Samantala, may alokasyon na P13.968 bilyon para sa Tourism Road
Infrastructure Program na gagawa ng access roads sa tourism destinations.
Maliban pa rito ang alokasyon na P10.020 bilyon sa Roads
Leveraging Linkages for Industry and Trade Infrastructure Program; sa Tatag ng
Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) Program para sa military
at police facilities na P3.8 bilyon; sa Special Road Fund for the construction,
upgrading, repair and rehabilitation ng iba pang mga kalsada, tulay at road
drainage na P15.232 bilyon.
๐ค๐๐ถ๐ฐ๐ธ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ฒ ๐๐๐ป๐ฑ
Ang Quick Response Fund (QRF), na may alokasyon na P1 bilyon, ay magsisilbing
stand-by fund para sa reconstruction at rehabilitation programs, activities, o
proyekto, kasama ang pre-positioning ng goods at equipment para agad na
maibalik ang normal na sitwasyon ng mga residenteng sa mga lugar na tinamaan ng
kalamidad, epidemiya, krisis, at iba pang sakuna.
Sakop ng panukalang pondo ng DPWH sa susunod na taon ang operating requirements
ng ahensya, pati na ang implementasyon ng local at foreign-assisted programs,
activities, at mga proyekto. (DBM/PIA-Caraga)