(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 23 April 2024) Easterlies affecting the country. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Easterlies/Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from East to Southeast will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.1 meters).


Tuesday, 19 September 2023

Forum sa gramatikang Filipino, isinagawa ng KWF

LUNGSOD NG BUTUAN -- Idinaos ang Forum sa Gramatikang Filipino noong Setyembre 8, 2023 sa Bulwagang Romualdez, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang organisasyong pangwika, unibersidad, Kagawaran ng Edukasyon, publisher, at via Zoom ay dumalo rin ang mga Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura ng KWF. 

Layunin ng forum na iharap sa publiko ang borador ng Gramatikang Filipino.  Taong 1939 pa nang ilabas ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP), ang pinagmulang institusyon ng KWF, ang  Balarila ng Wikang Pambansa na pinamatnugutan ito ni Lope K. Santos, na noon ay Kagawad ng SWP. Ang ilalabas na bagong gramatika ng KWF ay nakabatay sa makabagong teorya ng pag-aaral ng wika at napapanahong paggamit ng wikang Filipino.

Ang bagong gramatikang Filipino ay isinulat at sinaliksik ng ilang mananaliksik ng KWF at mga propesor ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman na sina Dr. Jesus Federico C. Hernandez, Dr. Ronel O. Laranjo, Dr. Ma. Althea T. Enriquez, Dr. Jem R. Javier, at Dr. Mary Ann G. Bacolod. Sa susunod na taon naman ito nakatakdang ilathala at maakses ng publiko.

Sa isinagawang forum, nagbigay naman ng reaksiyon sina Dr. Aurora E. Batnag, ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)/Tanggol Wika, Dr. Danilyn T. Abingosa, ng Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, Dr. Shirely N. Dita, ng Linguistic Society of the Philippines (LSP), Dr. Leticia Pagkalinawan, ng University of Hawai‘i at Manoa, at Dr. Raquel Sison-Buban, ng De La Salle University-Manila. (KWF/PIA-Caraga)