Hakbang laban sa malnutrisyon, mental health ng mga mag-aaral, tinalakay sa Butuan
Ni Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN -- Aktibong nakilahok sa talakayan ang iba't ibang sektor sa Butuan City sa mga isyu at concern ng mga mag-aaral lalo't nalalapit na ang pagbubukas ng School Year 2023-2024 na nakatakda sa August 29.
Bilang isa sa mga pangunahing concern, tinalakay ng Bureau Of Learner Support Services School Health Division ng Department of Education (DepEd) Butuan City Division ang mga hakbang ng ahensya para matugunan ang malnutrisyon at mental health ng mga estudyante.
Sa pamamagitan anila ng gulayan sa paaralan, supplemental feeding program, water sanitation and hygiene program at learner government program o ang pagbigay oportunidad sa mga estudyante na maging mabuting leader sa kanilang paaralan ay kabilang sa mga natukoy na programang tutugon sa mga isyung nabanggit.
Nagbahagi rin ng kanilang ginagawang paghahanda ang Philippine National Police (PNP), land Transportation and Traffic Management Office (LTTMO), City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), para masigurong ligtas ang mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.
Naging mahalagang parte ito sa pagbubukas rin ng brigada eskwela sa lungsod.
Binigyang diin ni DepEd Caraga regional director Maria Ines Asuncion ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat sektor hindi lamang tuwing brigada eskwela kung hindi sa pang araw araw na aktibidad nito, at para maresolba rin ang mga kinakaharap na concern ng academe sector.
"Together we can create conducive learning for our students. I am confident that with your dedication and passion in helping our students reach their full potential, we will have a fruitful Brigada Eskwela and successful activities for the learners," ani Dir. Asuncion.
Samantala, nagpasalamat din ang Agusan PequeΓ±o Elementary School sa Butuan City sa mga donasyong ipinaabot ng iba't ibang sektor sa kanilang eskwelahan na siyang naging host school sa brigada eskwela ngayong taon.
Tumanggap sila ng cleaning materials, computer sets, school supplies at marami pang iba.
"We are here gathered to make this Brigada Eskwela successful and ensure that necessary preparations for the opening of classes on August 29, 2023 are all set for our learners. We acknowledged everyone's active support and participation in the Brigada Eskwela," saad ni Raul Mahilum, principal I ng Agusan PequeΓ±o Elementary School.
Lumagda rin sa commitment wall ang mga sektor bilang simbolo ng kanilang patuloy na suporta sa DepEd. (JPG, PIA-Caraga)