Healthy diet, backyard gardening mahigpit na sinusulong sa Caraga
Ni Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN -- Kasabay sa selebrasyon ng buwan ng nutrisyon ngayong taon, isinusulong ng iba’t ibang sektor ang healthy diet at pagkakaroon ng backyard gardening para sa masustansyang pagkain ng buong pamilya.
Cassion |
Ayon kay Dr. Cesar Cassion, regional director ng Department of Health (DOH) Caraga, malaking tulong rin ang backyard gardening para makatipid sa gastos.
“With this celebration, let us make informed choices on our health, participate and contribute positive insights on health and nutrition; and be part in addressing malnutrition in the communities,” ani ni Dr. Cassion.
Ibinahagi rin ni Dr. NiΓ±o Archie Labordo, regional nutrition program coordinator ng National Nutrition Council (NNC) Caraga, na base sa datus, marami aniya ang hindi nakakakain ng masustansiyang pagkain dahil rin sa pagtaas ng presyo ng mga ito.
Dagdag pa ni Dr. Labordo, hindi sana ganoon kahirap ang sitwasyon ng mga Filipino kung mayroon itong backyard garden ng mga gulay at prutas.
Labordo |
“There are three levels of diet quality to wit, energy sufficient diet that meets needs for short-term subsistence; nutrient adequate diet that meets required levels of all essential nutrients; and healthy diet that includes food from several food groups and has greater diversity within the food groups," tugon naman ni Dr. Labordo.
Binigyang diin naman ni technical director for operations Rebecca Atega ng Department of Agriculture (DA) Caraga, ang kahalagahan ng agrikultura sa pagtugon sa malnutrisyon sa rehiyon at upang matiyak ang food security ng bansa.
“The DA helps our government in generating food for all the Caraganon households, making it accessible and affordable," ani Atega. (JPG/PIA-Caraga)