(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 25 July 2024) At 3:00 AM today, the Low Pressure Area (LPA) was estimated based on all available data at 135 km West Southwest of Calapan City, Oriental Mindoro (13.1°N, 120.0°E). Meanwhile, another LPA was estimated based on all available data at 880 km East of Eastern Visayas (11.1°N, 133.8°E). 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to Moderate winds coming from Southwest to Southeast will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Friday, 7 July 2023

DBM nagbabala laban sa mga fixer, scammer

Pinag-iingat ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko laban sa pagsasamantala ng mga indibidwal na nagpapanggap na mga kawani nito at nangangako ng mabilis at siguradong transaksyon kapalit ng porsyento ng halagang inilalakad sa ahensya.

Naninindigan ang DBM sa integridad at katapatan ng mga proseso at transaksyon nito na maingat na sumusunod sa umiiral na mga batas, alituntunin at regulasyon, lalung-lalo na sa pagpapalabas ng pondo ng taumbayan.

Tinukoy ng DBM na ang pagsusumite ng mga request para sa Local Government Support Fund–Financial Assistance (LGSF-FA) to Local Government Units (LGUs) ay sa pamamagitan lamang ng Digital Requests Submission for Local Government Support Fund (DRSL) na makikita sa DBM Apps Portal at ang lahat ng dokumentong isusumite sa ibang paraan ay awtomatikong hindi tatanggapin.

Ang DBM ay makikipagtransaksyon lamang sa mga local chief executive ng bawat local na pamahalaan sa layong maiwasan ang maling representasyon ng mga scammer, middlemen, fraudulent individuals, o organized groups.

Binigyang-diin ng DBM na hindi nito kinukunsinti at hindi kailanman magbibigay ng awtorisasyon sa kahit sinong indibidwal o grupo para humingi ng pera, goods o pabor kapalit ng pinabibilis na mga transaksyon, dahil malinaw itong paglabag sa batas at may katapat na parusa.

Hinihikayat ng DBM ang publiko na maging maingat at mapanuri sa pagtanggap ng mga alok na tulong upang hindi maging biktima ng panloloko at sakaling may impormasyon hinggil sa katulad na ilegal na aktibidad ay agad isumbong sa ahensya sa numerong (02) 865-7-3300.

Kaugnay nito, hinihimok ng DBM ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) na palakasin pa ang paglulunsad ng operasyon laban sa mga fixer at manloloko upang masawata ang kanilang mga ilegal na gawain. (DBM/PIA Caraga)