(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 23 May 2024) Easterlies affecting the country. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from East to Northeast will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.1 meters).


Monday, April 3, 2023

Ika-235 kaarawan ni Francisco Balagtas, ipagdiriwang ng lungsod Maynila at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

LUNGSOD NG BUTUAN -- Ipagdiriwang ng lungsod Maynila at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at institusyon ang ika-235 kaarawan ni Francisco Balagtas sa Abril 2, 2023, 7:30 ng umaga sa Liwasang Balagtas, Pandacan sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak.

Dumalo ang iba't ibang kinatawan ng ahensiya ng pamahalaan at institusyon kabilang ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat (NBDB), Samahan ng Sining at Kalinangan ng Pandacan (SSKP), at mga lingkod bayan ng lungsod Maynila.

Damalo rin si Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sumusuporta sa mga gawaing pampanitikan kabilang ang Tertulyang Pampanitikan ng mga Sentro ng Wika at Kultura sa iba’t ibang bahagi ng bansa na bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Panitikan 2023.


Ang tradisyonal na pag-aalay ng bulaklak kay Balagtas ay ginanap din sa Orion, Bataan at Balagtas, Bulacan.

Ang selebrasyon sa Araw ni Balagtas sa taong ito ay may temang, “Kultura ng Pagbabasa Tungong Pagkakaisa,” na siya ring paksa ng lektura ni Dr. Luis Gatmaitan sa kaniyang lektura ang paksang, “Kultura ng Pagbabasa tungong Pagkakaisa,” sa Abril 3, 2023 na mapapanood sa opisyal na KWF Facebook page. (KWF/PIA-Caraga)