(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 26 February 2024) Easterlies affecting the eastern section of the country. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Easterlies / Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Light to Moderate winds coming from East to Northeast will prevail with Slight to Moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Monday, February 27, 2023

Butuan Art Festival dinaluhan ng mga kabataan

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Butuan Art Festival sa isang mall sa Butuan City.

Dumalo rito ang mga local artist mula Luzon, Visayas, at Mindanao, at karamihan sa kanila ay mga kabataan.

Ayon kay Renante “Kuya Dubs” Dublois, tinawag nilang "dugtong otso" dahil ngayon ang ikawalong taon ng Butuan Art Festival.

Layon din ng Festival na magkaisa ang mga local artist at ibahagi ang kanilang talento at obra maestra sa publiko na tiyak na magbibigay inspirasyon sa lahat sa kabila ng mga kinakaharap na hamon sa buhay.

"Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta para sa mga local artists at sana'y maging inspirasyon din po tayo sa iba lalo na sa mga kabataan,” ani Dublois.

Ibinahagi rin ri Ronnie Rudinas ng grupong Kwadrado, na kadalasan sa kanyang obra ay nagpapahiwatig ng pagmamahal sa pamilya.

"Mahalaga ang pamilya kaya pahalagahan natig ang baw


at isa. Para sa mga art enthusiasts, mas paghusayan nyo pa ang inyong kakayahan at ibahagi ito sa iba,” banggit ni Rudinas.

Isa rin si Ryzel Grace Rudinas, labing apat na taong gulang sa mga batang exhibitors sa naturang art festival. Aniya, sa umpisa lang mahirap pero pag may determinasyon at passion sa sining, magiging madali nalang ito.

"Huwag lang titigil sa pagsubok hanggang dumating yung araw na ma-aachieve nyo din ang gusto niyong craft," ani Rudinas.

“Gusto kong maipakita sa pamamagitan ng aking painting ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak, na kahit sa no mang pagkakamali nito ay hindi nila kayang tiisin ang kanilang mga anak. Mangingibabaw pa rin ang kapatawaran at pagmamahal,” sabi naman ni Mary Jean Marasigan, local artist/art exhibitor sa Butuan City.

“Nais kong ipakita sa aking painting ang mahalagang ugnayan ng tao sa ating kalikasan. May mga tungkulin at responsibilidad tayo sa ating kalikasan na mapanatili itong malusog at kapaki-pakinabang para sa lahat,” ani Goy Candelario, local artist/art exhibitor ng Butuan City.

Suportado rin ng mga lokal na opisyal sa Butuan City ang adhikain ng mga local artist. (JPG/PIA-Caraga)