500 indibidwal tumanggap ng maagang Pamasko mula sa Task Force ELCAC sa SurSur
CARMEN, Surigao del Sur- Tinatayang mahigit 500 katao ang dumalo at nakiisa sa isang aktibidad pangkapayapaan at nabigyan ng maagang regalo sa isang Peace Building Information Drive at Pamaskong Handog 2022 ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict na ginanap sa Covered Court, ng Barangay Hinapoyan, Carmen, Surigao del Sur, Disyembre 6, 2022.
Matatandaan na mula sa Sitio Gacub ng naturang barangay ang limang hinukay na pinaslang ng Communist Terrorist Group (CTG) noong ika-30 ng Oktubre ng kasalukuyang taon.
Ibahagi ang Dokumentaryo ng iDocu Team ni John Paul Seniel na may pamagat na “Hinagpis ng limang (5) Byuda sa Hinapoyan” sa mamayanan ng barangay kasama ang tatlong (3) sityo ng Gacub, Tabinas, at Bayabas.
Sa naturang dokumentaryo, nilahad dito ang mga pangyayari sa mga pinatay na maglalapnisan at hinilom ang mga panawagan ng mga naiwang kapamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng maagang pamasko sa mga Taga-Carmen.
Hinimok ni Mayor Jane V. Plaza sa naturang aktibidad na mamulat ang lahat sa totoong gawain at pakay ng makakaliwang grupo sa mga Carmenanon at ipinahayag ang pakikiisa sa kapayapaan at siguridad ng Indigenous Peoples Community.
Sa pakikiisa ng mga Indigenous Peoples Mandatory Representative at Tribal Chieftain ng Hinapoyan ay winaksi nila ang Communist Party of the Philippines -New People's Army - National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa kanilang tribu at kinondena ang mga abuso, pagpatay, at panghihikayat ng mga terrorista sa kanilang komunidad na umanib sa mga ito.
Layunin ng Peace Building Information Drive na mapabuti, mapaunlad, at mabigyan ng panibagong pag-asa ang mga taga-Hinapoyan upang hindi na maulit ang trahedya na nangyari sa naturang kumunidad mula sa karahasan at kalupitan ng komunistang grupo. (2Lt. Shirly Fatima Lim, CMO-36IB/PIA-Surigao del Sur)