(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 11 December 2024) Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting the western section of Mindanao and Palawan. Shear Line affecting the eastern sections of Central and Southern Luzon. Northeast Monsoon affecting Northern Luzon and the rest of Central Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Moderate to Strong winds coming from East to Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.5 meters).


Monday, September 5, 2022

Information officers ng DOLE, sumailalim sa Basic News Writing Training ng PIA Caraga

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Habang abala ang mga kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE) Caraga sa pagbibigay serbisyo sa mga benepisyaryo ng kanilang mga programa, aktibo ring natuto ang mga Information Officers (IO) ng DOLE provincial offices sa rehiyon ng Basic News Writing sa tulong ng Philippine Information Agency (PIA) Caraga.

Matapos matutunan ang mga palatuntunin sa pagbuo ng simple at komprehensibong impormasyon sa pagbabalita, sabik na rin ang mga IOs na ma-post o ma-publish sa social media platforms ang kanilang mga nagawang news stories o balita.  

Para kay Kenneth John Andohoyan, Foreign National Labor Inspector at Labor and Employment Officer III ng DOLE Agusan del Norte Provincial Office na isa sa mga aktibong nakilahok sa nasabing pagsasanay, malaking tulong sa kanila ang matutong magsulat at maghatid balita sa publiko lalo na at marami silang aktibidad sa mga barangay.

“Malaking tulong ito sa aming mga government communicators, lalo na sa amin sa DOLE dahil mas mapapadali na ang aming pagawa ng mga balita dahil alam na naming kung papaano ang tamang pag-organisa ng aming mga isusulat na balita. Mas magiging epektibo na rin ang aming pakikisalamuha sa mga komunidad,” ani Andohoyan.

Ayon kay Anya Pernelle Sollano, Information Officer ng DOLE Caraga Regional Office, layon ng ahensiya na mahasa ang bawat IO sa iba’t-ibang probinsya para sila ay mas maging epektibo sa paganap ng kanilang tungkulin.

“Nagapapasalamat kami sa PIA sapag-facilitate ng training na ito para sa mga IOs ng DOLE. Magsasagawa rin kami sa DOLE ng iba pang communication-related trainings para pa rin sa mga aming IOs na nasa mga provincial offices, at tungkol naman ito sa photography, video editing, social media management, at iba pa,” banggit ni Sollano. 

Samantala, tutulong din ang PIA Caraga sa pag-publish ng mga news stories ng mga IOs ng dole provincial offices sa national at regional websites ng Ahensiya at sa iba pang social media accounts nito para mapalawig pa ang mga programa at serbisyo ng DOLE. (JPG/PIA-Caraga)