(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 12 July 2025) The Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect Mindanao. FORECAST: The Zamboanga Peninsula will experience cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the Southwest Monsoon. These conditions may lead to possible flash floods or landslides, especially during moderate to occasionally heavy rainfall. The rest of Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms also influenced by the Southwest Monsoon. Winds will be light to moderate from the southwest, with slight to moderate seas (wave height between 0.6 to 2.1 meters).


Wednesday, August 31, 2022

STEM Alliance binuo sa Caraga Region

LUNGSOD NG BUTUAN -- Mas pinalawak pa ang kampanya para sa STEM o Science, Technology, Engineering and Mathematics learning sa Caraga region kung saan apat na institusyon ang bumoo ng isang alliance sa pangunguna na Philippine Science High School Caraga Regional Campus o Pisay Caraga kabilang ang Department of Science and Technology Caraga, Caraga State University at ang Local Government Unit ng Butuan City.

Layunin ng Caraga STEM Alliance na ma-encourage ang mga mag-aaral na kumuha ng STEM courses

Ayon kay Pisay caraga campus director Engr. Ramil Sanchez ang alliance ay tutulong sa pag-promote ng STEM education na napatunayan ng backbone ng isang advanced technology. 

Hanga si Butuan City councilor Cherry Mae Busa, ang chairperson ng Science and Technology Committee sa pagtaas ng bilang  ng estudyanteng kumuha ng STEM education, dahil sa nakitang pagtaas ng enrolment sa Pisay Caraga para sa darating na pasukan.

Ang Pisay Caraga ay mayroong 570 na estudyanteng naka-enroll para sa darating na pasukan kung saan 383 o 76 porsyento nito ay galing sa Butuan City.

Ayon din kay DOST Caraga regional director Engr. Noel M. Ajoc, ang Caraga STEM alliance ay isang platform upang ma-promote  ang stem learnings at ma-encourage ang mga studyante na magdevelop ng innovations. (NCLM, PIA Caraga)