(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 06 November 2025) At 3:00 AM today, the center of Typhoon "TINO" {KALMAEGI} was estimated based on all available data over the coastal waters of Taytay, Palawan (11.1°N, 119.9°E) with maximum sustained winds of 120 km/h near the center and gustiness of up to 165 km/h. It is moving West Northwestward at 15 km/h. Light to Moderate rains are expected over #TawiTawi(TurtleIslands), #ZamboangaDelNorte, #ZamboangaSibugay(Payao, Imelda and Malangas) within the next 2-3 hours. Moderate to occasionally heavy rains are being experienced in #TawiTawi(Mapun), #Sulu(Pangutaran), #ZamboangaSibugay(Alicia, Mabuhay, Talusan and Olutanga) which may persist within 2-3 hours and may affect nearby areas.


Wednesday, July 20, 2022

114 former rebels nakatanggap ng tulong pinansyal at kaalaman para sa pagsisiumla ng bagong buhay

LUNGSOD NG BUTUAN -- Iba’t ibang assistance mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ang natanggap ng 114 former rebels sa probinsya ng Agusan del Norte na naglalayong magamit sa kanilang pagbabagong buhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Si Inday, kasama ang kanyang asawa nang sumuko sa 23rd Infantry Battalion, Philippine Army nais gamitin ang kanilang natanggap na financial assistance at kaalaman para sa kanilang kabuhayan.

Nananawagan din siya kay pangulong Bongbong Marcos na sana ay ipagpatuloy ang nasimulan ni pangulong Duterte para sa pagbibigay ng attention sa pagbabagong buhay ng mga former rebels na mapayapa  upang hindi na maranasan ang kahirapan noong sila ay myembro pa ng Communist Party of the Philippines - New People's Army (CPP-NPA).

Sa kanyang pagsuko, ayon din kay alyas Maymay, natupad ang matagal na nyang ambisyong maging isang tunay na sundalo ng mga Filipino. Si Maymay ay isa nang myembro ng Philippine Army sa ngayon.

Ayon din kay Department of the Interior and Local Governmnet (DILG) Agusan del Norte Provincial Director Ellen Vee Chua, umabot sa mahigit sampung milyon o P10.7 million ang naibigay sa 114 former rebels, sapat na financial upang makapagsimulang muli, dala-dala din ang kaalaman mula sa kanilang mga trainings na handog ng TESDA upang tuluyan ng makapagbagong buhay. (NCLM/PIA Agusan del Norte)