(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Sunday, 02 November 2025) At 4:00 AM today, the center of Severe Tropical Storm "TINO" {KALMAEGI} was estimated based on all available data at 430 km East of Guiuan, Eastern Samar (10.8°N, 129.7°E) with maximum sustained winds of 110 km/h near the center and gustiness of up to 135 km/h. It is moving West southwestward at 30 km/h. Shear Line affecting the eastern sections of Northern and Central Luzon. Northeast Monsoon affecting the rest of Northern Luzon. π—”π—™π—™π—˜π—–π—§π—œπ—‘π—š π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—¦π—¬π—¦π—§π—˜π— : Severe Tropical Storm "TINO" ang makaapekto sa rehiyon sa Caraga.


Tuesday, May 31, 2022

Multi-sectoral forest protection committee ng Caraga region patuloy ang programang protektahan ang kalikasan

LUNGSOD NG BUTUAN -- Bamboo plantation ang nakitang sagot at ngayo’y focus ng mining companies sa Caraga region  para mas lalo pang maalagaan at mapanatili ang kagandahan ng kalikasan.

Sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) Caraga ang pagtatanim ng kawayan sa mga mining areas na kung saan mahigit 836 ektaryas  ang nakalaan sa buong rehiyon.

Ayon kay Christie Apale ng MGB Caraga, kahit panahon ng COVID-19 pandemic ay patuloy pa rin ang mga mining companies sa kanilang commitment ng bamboo plantation.

Sa ngayon ay natamnan na ng kawayan ang nasa mahigit 250 ektarya, nitong first semester ng taong 2022. 

“Bamboos are interplanted with the other tree species of the mining companies as rehabilitation measures. Ang purpose is not for economic but for rehabilitation sa area, ” ayon ni Apale.

Sa ulat naman ng National Greening Program coordinator sa caraga region na si Forester Luis Gonzaga, umabot na sa mahigit 183 thousand ektarya ang nataniman ng iba’t ibang species ng kahoy sa rehiyon.

“Base sa seedling production target namin sa 2022 na 10,704,622, meron na kaming accomplishment na 5,297,967,” tugon ni Gonzaga. (NCLM/PIA Agusan del Norte)