(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Thursday, 08 January 2026) Shear Line affecting Palawan and Visayas. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. Easterlies affecting Mindanao. Caraga, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental and Zamboanga del Norte will experience cloudy skies with scattered rains and thunderstorms due to Easterlies. Possible flash floods or landslides during moderate to at times heavy rains. Rest of Mindanao will be partly cloudy to cloudy with isolated rainshowers or thunderstorms caused by Easterlies. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Moderate to strong winds from northeast to north prevails over the eastern section with moderate to rough seas (2.1 to 3.5 meters). Elsewhere, light to moderate winds from the northeast to north with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Thursday, April 28, 2022

Farm-to-market roads at iba pang infra projects may malaking kontribusyon sa peace and order sa probinsya ng Agusan del Sur

LUNGSOD NG BUTUAN -- Ang pagpapanatili nang maayos at ligtas na komunidad ay tungkulin ng bawat mamamayang Pilipino. Ito ang binigyang-diin ni Lieutenant Colonel Reynald Rommel Goce, commanding officer ng 26th Infantry Battalion, Philippine Army, habang ibinabahagi ang mga magagandang programa at proyekto ng pamahalaan para sa mga residente. 

Ayon sa opisyal, malaki ang naging tulong ng mga naitatag na programa at proyekto tulad ng farm-to-market roads sa mga liblib na lugar ng probinsya maging ang iba pang infrastructure projects dahil na rin sa implementasyon ng Executive Order No. 70 o ang hakbang ng iba't-ibang sektor sa pagsugpo ng terrorism o insurgency.

“Dahil na rin sa mga developments sa ating area of responsibility, naging daan ito sa boluntaryong pagsuko ng mga miyembro ng npa. marami na sa kanila ang nakatanggap ng tulong mula sa mga ahensiya ng gobyerno sa na siyang bumubuo sa Regional Task Force to End Local Communists Armed Conflict (RTF-ELCAC). Malaking tulong rin ang aktibong suporta ng mga residente dahil sila mismo ang nagrereport sakaling may presensya ng hinihinalang New People’s Army sa kanilang lugar," ani ni LTC Goce.

Pinatunayan din ito ni Mayor Phoebe Corvera ng San Luis, at Mayor Pauline Masendo ng Talacogon sa Agusan del Sur kung saan may mga barangay na tinuturing na geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) ang nakabenepisyo sa pundong inilaan ng ELCAC. 

"Magpapatuloy pa rin ang mga programang tumutugon sa problema sa insurgency para patuloy din ang pag-unlad ng ating munisipyo at ng mga residente dito,” banggit ni Mayor Masendo.

Dagdag pa ni Masendo, mas nagiging aktibo na rin ang mga indigenous peoples (IPs) sa pagtulong sa gobyerno sa mga adhikain at adbokasiya nito lalo na sa pagsugpo ng insurgency. (JPG/PIA-Agusan del Sur)