(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 14 July 2025) The Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect Mindanao. FORECAST: The Zamboanga Peninsula will experience cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the Southwest Monsoon. These conditions may lead to possible flash floods or landslides, especially during moderate to occasionally heavy rainfall. The rest of Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms also influenced by the Southwest Monsoon. Winds will be light to moderate from the southwest, with slight to moderate seas (wave height between 0.6 to 2.1 meters).


Wednesday, March 30, 2022

Mahigit 5,000 residente, nakinabang sa PPOC immersion ng Agusan del Norte

LUNGSOD NG BUTUAN -- Malaking pasasalamat ng mga residente mula sa dalawang barangay sa Buenavista, Agusan del Norte dahil sa isinagawang Provincial Peace and Order Council o PPOC immersion sa kanilang lugar.

Nakatanggap sila ng mga libreng serbisyo, food packs at marami pang iba mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Dahil sa natanggap na tulong, nais din ni Rosenda Banggoy ng Barangay Alubihid na makatanggap ang iba pang residente sa serbisyong hatid ng gobyerno sa kanilang lugar, gayun din si Quirino Ginoo ng Barangay Abilan. 

“Maraming salamat sa lahat ng binigay ng ating gobyerno, napakalaking tulong ito sa akin bilang isang magsasaka,” dagdag ni Ginoo.

Bukod sa mga libreng serbisyong hatid ng PPOC immersion, nagsagawa din ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng pagsasanay o hands-on CPR sa mga Young Agusan del Norte Emergency Response Teams o ADNERTS upang sila ay ihanda at makatulong sa panahon ng mga emergencies.

Ayon kay Linde Joy Fedelis ng St. Michael College of Caraga, sa panahon ng disaster hindi naman pinipili na ang youth lang ang tinatamaan, tayo naman lahat. Kaya importante na matuto tayong lahat ng basic life support.

Nagpasalamat din si Governor Dale Corvera kay President Rodrigo Duterte dahil sa Executive Order No. 70 na hakbang sa pagsugpo ng terorismo na dulot ng mga grupong terorista. Dahil dito, marami na ang sumukong mga rebelde sa probinsya.

Nanawagan naman si Agusan del Norte 2nd district Representative Maria Angelica Rosedell Amante-Matba sa mga natitira pang NPAs na magbalik-loob na sa gobyerno at itigil na ang pagsuporta sa mga kaliwang grupo para makamtan na ang tunay na kaunlaran sa probinsya. (NCLM/PIA-Agusan del Norte)