(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 04 October 2024) At 3:00 AM today, the center of Tropical Depression "JULIAN" {KRATHON} was estimated based on all available data at 240 km North Northwest of Itbayat, Batanes (22.6°N, 120.6°E) with maximum sustained winds of 45 km/h near the center and gustiness of up to 75 km/h. It is almost stationary. Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Visayas and Mindanao. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from Southwest to Southeast will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Tueaday, March 29, 2022

Kahalagahan ng kalusugan sa bawat indibidwal at sakit na aneurysm, tinalakay ng mga sektor sa idinaos na WOMENtum 2022 sa Butuan City

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Ilang kababaihan at kalalakihan mula sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor ang nagpakita ng interes ukol sa sakit na aneurysm, kasabay sa isinagawang WOMENtum o Women Momentum ng Regional Inter-Agency Committee Against Trafficking – Violence Against Women and their Children (RIACAT-VAWC) sa lungsod ng Butuan.

Ayon kay Dr. Maria Christine Mordeno, Medical Officer III ng Agusan del Norte Provincial Hospital, may manginlan-ngilan na rin sa probinsya ang na-diagnose ng brain o cerebral aneurysm kung saan nagkakaroon ng pagnipis ng blood vessel at paglobo nito. Ito aniya ay nabubuo sa paglipas ng panahon dulot ng stress sa blood vessels. 

“Delikado kapag ang isang tao ay may diabetes. Bakit nakakaapekto ang diabetes sa blood vessel? Nagiging mahina ang blood vessel kapag may diabetes lalo na 'yung extremely diabetic na pasyente. Kung sakaling diabetic, dapat magpa-annual checkup para masuri. Dito sa ating provincial hospital, mayroon na tayong CT scan at mayroon din sa Butuan Medical Center, ‘yung ating Malasakit Center,” ani ni Dr. Mordeno.

Para kay Laurenze Nimrod Laag, office staff ng Maritime Industry Authority (MARINA) Caraga, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon hinggil sa pagpapanatili nang maayos na kondisyon ng katawan at paano maiiwasan ang iba’t-ibang sakit tulad ng aneurysm. Pinaalalahanan din niya ang lahat na maging mapanuri sa sariling katawan at huwag baliwalain ang ano mang karamdaman.

“Mahalaga po para sa lahat ng nag-attend kasi hindi lang naman ito pambabae, panglalaki rin. Ito ‘yung tinatawag nating early prevention in which kung may nakikita tayong mali sa kalusugan natin, pwede naman nating maagapan para hindi na mas lumala pa ang sitwasyon,” pahayag ni Laag.

Naniniwala rin si Charina Mercado, Administrative Officer II ng Regional Prosecution Office Caraga, na maiging pag-ensayo habang tinututukan rin ang pagkain ng tama at ‘yung masustansya at nakapagbibigay sigla sa katawan. “Kailangan din nating ng regular check-up maliban na sa regular na pag-eensayo at pagkain ng tama, at iwasang ma-stress,” ani niya.

Samantala, binigyang-diin naman ni Jessie Catherine Aranas, chief ng Protective Services Division ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Caraga at focal person ng RIACAT-VAWC, na habang abala ngayon ang mga kababaihan sa iba’t-ibang aktibidad para mas mahasa pa ang kanilang kaalaman at abilidad sa iba’t-ibang larangan, nagpakita rin ng pagsuporta ang mga kalalakihan sa rehiyon sa pangunguna ng grupong Men Oppose to Violence Everywhere (MOVE).

“Ang pagsugpo ng pang-aabuso at karahasan sa kababaihan ay hindi lang trabaho ng mga babae, dahil tayong lahat ay may responsibilidad na maiwasan ang ganitong insidente. Karamihan sa mga perpetrators ay lalaki kaya dapat sa kanila manggaling ang appreciation o pagkilala na ‘yung mga kababaihan ay kabalikat nila sa kaunlaran,” sabi ni Aranas. (JPG/PIA-Caraga)