(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 09 July 2025) The Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect Mindanao. FORECAST: The Zamboanga Peninsula will experience cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the Southwest Monsoon. These conditions may lead to possible flash floods or landslides, especially during moderate to occasionally heavy rainfall. The rest of Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms also influenced by the Southwest Monsoon. Winds will be light to moderate from the southwest, with slight to moderate seas (wave height between 0.6 to 2.1 meters).


Friday, February 18, 2022

Pinsker's hawk eagle, pinalaya sa Surigao del Sur

Ni: Nida Grace P. Barcena

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Matagumpay na pinalaya ang isang Pinsker’s hawk eagle kasabay ng pagdiriwang ng “Araw ng mga Puso” noong Pebrero 14, na isinasagawa sa San Padre Pio Devotional Chapel nitong lungsod. 

Ang nasabing okasyon ay pinangunahan mismo ni Diocese of Tandag bishop Raul Dael, na siya ring nanguna sa pagsasagawa ng misa bago pa naganap ang pagpapalaya ng agila.

Napag-alaman na ang naturang agila na pinangalanang "Padre Pio Hawk Eagle", ay nasagip ng mga tauhan ng Diocese sa loob ng kanilang poultry sa may San Padre Pio Devotional Chapel, Brgy. San Jose, lungsod ng Tandag noong Disyembre 8, 2021, at nanatili ito sa kanilang pangangalaga. Agaran ding ipinaalam ng Diocese ang tanggapan ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lalawigan.

Kinumpirma ng kinatawan ng DENR na ang nasagip na agila ay isang endangered species.

“This is an endangered species. This eagle is a raptor family (Isa itong endangered species. Kabilang ang agilang ito sa raptor family),” tuwirang sinabi ni Cliff Abrahan, hepe ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Lianga na kumatawan sa DENR-Surigao del Sur.

Sa pagpapalaya sa agila, nais iparating ng ng simbahang Katoliko ang mensaheng "Care for Our Common Home", kung saan binibigyang-diin ng simbahan na bawat isa ay may responsibilidad na pangalagaan ang Inang Kalikasan.

Ayon kay Bishop Dael, nakikiisa ang diocese sa pangangalaga ng kalikasan. 

“As a Diocese, we really stand for the truth, and for peaceful environmental protection (Bilang isang Diocese, kami'y patuloy na tumatayo para sa katotohanan at sa mapayapang pangangalaga ng kapaligiran)," giit niya. Dagdag ng obispo, hindi tumatanggap ang simbahang Katoliko ng donasyon mula sa katas ng mina. 

Hinikayat din ni Bishop Dael ang publiko na ugaliing makipag-ugnayan sa kinauukulang awtoridad o kaya sa mga opisyal ng gobyerno na makakatulong kung meron mang masagip na endangered species gaya ng agila.

Sinaksihan ang pagpapalaya ng agila nina Governor Alexander Pimentel, Tandag City Mayor Roxanne Pimentel, representante ng DENR, mga lider ng simbahan, at ng publiko. (NGPB/PIA-Surigao del Sur)