(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 11 November 2024) At 3:00 AM today, the center of Typhoon "NIKA" {TORAJI} was estimated based on all available data at 120 km East Southeast of Casiguran, Aurora (15.9°N, 123.2°E) with maximum sustained winds of 120 km/h and gustiness of up to 150 km/h. It is moving West Northwestward at 20 km/h. TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY SEVERE TROPICAL STORM YINXING (2422) (FORMERLY "MARCE") LOCATION: 880 KM WEST OF NORTHERN LUZON (18.5°N, 112.2°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 110 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 135 KM/H MOVEMENT: SOUTHWESTWARD AT 15 KM/H TROPICAL STORM MAN-YI (2424) LOCATION: 3,555 KM EAST OF CENTRAL LUZON (15.2°N, 154.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 85 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 105 KM/H MOVEMENT: EASTWARD SLOWLY TROPICAL DEPRESSION LOCATION: 1,685 KM EAST OF EASTERN VISAYAS (11.4°N, 141.2°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 45 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 55 KM/H MOVEMENT: WEST NORTHWESTWARD AT 35 KM/H 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms.


Tuesday, January 11, 2022

PCG nagpaabot ng iba’t-ibang serbisyo sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Nangunguna ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mabilis na paghahatid ng  mga relief assistance sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette lalo na sa probinsya ng Surigao del Norte at Dinagat Islands.

Cpt. Dennis Pandeagua

Ayon kay Cpt. Dennis Pandeagua, district commander ng North Eastern Mindanao Coast Guard, ito ay bilang pagtalima din sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan agad ang mga apektadong residente . 

“Sa pagbisita ni President Rodrigo Duterte sa Surigao City, mahigpit na direktiba ng presidente ang mabilis at efficient na paghatid ng ayuda sa ating mga kababayan lalung-lalo na sa island provinces ng Surigao del Norte at Dinagat Islands. At isa pang direktiba niya ay maibalik sa normal na pamumuhay ang ating mga kababayan sa lalong madaling panahon,” ani ni Pandeagua.

Bumuo din agad ang PCG ng ‘Task Force Kalinga’ para matutukan  ang lahat ng distrito nito na naapektuhan ng bagyo. 

Batay sa tala ng Coast Guard, nasa kabuuang 832 tons ng food at non-food items na ang naihatid na ayuda sa dalawang isla ng rehiyon. 

May mga tumutulong din mula sa ibang rehiyon na nagpapagamit ng kanilang sasakyang pandagat para sa paghahatid ng mga karagdagang ayuda. 

Nagsasagawa rin ang PCG ng feeding program lalo na sa mga kabataan, at nagtayo din free charging ng cellphone at iba pang gadgets sa mga apektadong lugar. 

Dagdag din ni Pandeagua, dahil kabilang ang kanilang opisina sa mga nasira dulot ng hagupit ng Bagyong Odette, marami rin sa kanilang kawani ay lubhang apektado. Kaya naman, nakatuon din ang Coast Guard sa rehabilitation mismo ng kanilang tanggapan at pagbibigay ng tulong sa mga kawani nito. 

Sa mga grupo o indibidwal na gustong mag-donate ng relief goods maging ng mga construction materials para sa mga nasalanta ng bagyong Odette, hinikayat ng opisyal na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa maayos na paghahatid at pagbibigay nito sa mga apektadong residente. 

“Maaari lang po tayong tumawag sa task force kalinga at mayron tayong isang warehouse sa parola ng ating PCG gym at doon ay ipa-faciliate natin ang pagtanggap at paghatid ng relief goods sakay ng ating barko,” banggit ni Pandeagua. (JPG/PIA-Caraga)