(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 28 November 2022) Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting Mindanao. Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate with at times heavy rain. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due ITCZ / Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Light to moderate winds coming Northeast to East will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.1 meters).


Monday, January 31, 2022

Mahigit 2 milyong katao ang nabakunahan na sa Caraga region; health protocol mahigpit pa ring ipinapatupad

Ni Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN -- Sa layong maabot ang target na herd immunity, mas pinaigting pa ngayon ng Department of Health (DOH) kasama ng mga lokal na pamahalaan sa Caraga region ang pagbabakuna ng iba't-ibang eligible priority groups. 


Cassion
Base sa tala ng DOH, as of January 24, nasa 2,580,598 na ang total administered doses ng vaccines sa rehiyon. May 1,296,480 pa na indibidwal ang kakailanganing bakunahan.

Ayon kay DOH Caraga regional director Dr. Cesar Cassion, bagamat may pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa iba’t-ibang probinsya ng rehiyon, malaking tulong pa rin ang mga bakuna upang hindi ganun kalala ang epekto ng virus sa mga indibidwal na may sintomas.

As of January 26, may kabuuang 54,498 na kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Caraga - 4,038 ang nasa isolation; 48,527 ang naka-recover; at 1,933 ang naitalang namatay.

Mahigpit pa ring ipinapatupad ang contact tracing ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Caraga, maging ang temporary treatment and monitoring facilities o quarantine facilities.

Kung sa high risk province o city naman ang pag-uusapan, as of January 23, ang health care utilization ng probinsya ng Agusan del Norte at Surigao del Sur ay nasa safe zone; nasa moderate risk naman ang Butuan City; high risk sa probinsya ng Surigao del Norte; at critical risk sa Agusan del Sur.

Dahil dito, patuloy pa ring pinaalalahanan ang publiko na sumunod sa health protocol at agad na sumangguni sa health facility sakaling may maranasang sintomas ng COVID-19.

Mahigpit rin ang mga malls sa lungsod ng Butuan at ang mayroong vaccination card lamang ang kanilang pinahihintulutang makapasok sa loob ng pasilidad. (JPG/PIA-Caraga)