(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Sunday, 23 November 2025) Intertropical Convergence Zone (ITCZ) affecting southern Mindanao. Shear Line affecting the eastern section of Northern Luzon. Northeast Monsoon affecting the rest of Northern Luzon. Davao Region, SOCCSKSARGEN, Basilan, Sulu, and Tawi-Tawi will have cloudy skies with scattered rains and thunderstorms caused by ITCZ. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. Rest of Mindanao will be partly cloudy to cloudy with isolated rainshowers or thunderstorms due to ITCZ. Possible flash floods or landslides due to severe thunderstorms. Light to moderate winds from the northeast to north with slight to moderate seas. (0.6 to 2.5 meters).


Monday, January 03, 2022

Zero firecracker-related injuries sa SurSur ibinida matapos ang pagtawid sa bagong taon 

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Magkakatugma ang ulat ng pinakamalaking pampublikong pagamutan ng Department of Health (DOH) sa Surigao del Sur, Police Provincial Office (PPO), at Provincial Health Office (PHO) tungkol sa zero firecracker-related injuries sa pagsalubong sa bagong taon.

Sa hiwalay na mga panayam, sinabi nina Adela Serra-Ty Memorial Medical Center (ASTMMC) information officer Recklyn Ruaza, Police Provincial Office (PPO) Public Information Officer (PIO) P/Lt. Col. Ray Sorreda, at Health Education Promotion Officer (HEPO) Helbert Lugo na tagumpay ang patuloy na kampanya ng gobyerno laban sa paggamit ng bawal na mga paputok.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng Surigao del Sur Police Provincial Office (SDSPPO) sa pamumuno ni PNP provincial director Col. Joseph Boquiren dahil sa pakikiisa ng publiko sa kampanyang Oplan Iwas-Paputok.

Pambungad na araw pa lang ng buwan ng Disyembre nang nagtalikod na taon ay agad inilunsad ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang kampanya tungkol sa Oplan Iwas-Paputok tampok ang ginawang pag-iikot ng mga firetrucks ng bumbero sa kada local government unit (LGU). (DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)