(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Saturday, 25 March 2023) Ridge of High Pressure Area (HPA) extending over Northern and Central Luzon. Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Easterlies / Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Light to moderate winds coming from East to Northeast will prevail with slight to moderate seas / (0.6 to 2.1 meters).


Thursday, September 16, 2021


Bed occupancy rate sa COVID-19 ward ng pinakamalaking pampublikong pagamutan sa SurSur nasa 120% na

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Nasa 120% na ang bed occupancy rate sa COVID-Ward ng Adela Serra Ty Memorial Medical Center (ASTMMC) dito sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur ayon sa pinakahuling COVID-19 Situational Report ng nasabing pagamutan.

 

Batay sa COVID-19 Situational Report No. 512 as of September 13, 2021, alas singko ng hapon ng ASTMMC, may 36 na pasyenteng nakaadmit sa COVID-Ward nito.

 

Ayon din dito, 104% ang bed occupancy rate sa COVID Critical Care Unit (CCU) ng nasabing pampublikong pagamutan sa ilalim ng Department of Health na may 24 na admitted patients.

 

Ipinaalam naman nito sa publiko ang mga aksyon ng ASTMMC kaugnay ng sitwasyon sa COVID-19 sa ospital kung saan isa nito ang sustained activation ng ASTMMC Operation Center. (DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)