(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Wednesday, 09 July 2025) The Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect Mindanao. FORECAST: The Zamboanga Peninsula will experience cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the Southwest Monsoon. These conditions may lead to possible flash floods or landslides, especially during moderate to occasionally heavy rainfall. The rest of Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms also influenced by the Southwest Monsoon. Winds will be light to moderate from the southwest, with slight to moderate seas (wave height between 0.6 to 2.1 meters).


Wednesday, August 18, 2021

MinDA, LGU SurSur pipirma ng MOA kaugnay sa pagpapalago ng industriya ng pananim

Ni: Nerissa Espinosa 

LUNGSOD NG TANDAG, Surigao del Sur -- Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nakatakdang pirmahan sa pagitan ng Mindanao Development Authority (MinDA) at pamahalaang panlalawigan ng Surigao del Sur.

Sa panayam kay Provincial Agriculturist Marcos Quico, inihayag nito na inaasahan nilang darating dito sa lalawigan si MinDA Sec. Emmanuel Piñol sa susunod na linggo upang pangunahan ang nasabing okasyon.

Aniya, ang kasunduan ay may kinalaman sa isang digital platform kung saan ipoproseso ang mga impormasyong may kaugnayan sa mga pang-agrikulturang kalakal na magagamit ng mga value chain partners at economic stakeholders larangan ng pananim.

Dagdag pa ni Quico na naipasa na nito ang nasabing MOA upang mabasa o ma-review at ma-aprubahan ni Gobernador Alexander Pimentel bago pa man ang pagpirma nito at ni Sec. Piñol. (DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)