(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Sunday, 07 December 2025) At 3:00 AM today, the center of Tropical Depression "WILMA" was estimated based on all available data in the vicinity of Matuguinao, Samar (12.2°N 125.0°E) with maximum sustained winds of 45 km/h near the center and gustiness of up to 75 km/h. It is moving West Northwestward at 15 km/h. Shear Line affecting the eastern section of Southern Luzon. Northeast Monsoon affecting the rest of Luzon. Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Moderate to strong winds from northeast to northwest will prevail over the western sections of Mindanao with moderate to rough seas (1.2 to 3.1 meters). Elsewhere, moderate winds from the northwest to southwest to southeast with moderate seas (1.2 to 2.5 meters).


Tuesday, August 3, 2021

SBDP ng NTF-ELCAC pormal na inilunsad sa Surigao Norte

LUNGSOD NG SURIGAO, Suriago del Norte -- Limang Barangay ng probinsiya ng Surigao del Norte ang mabibigyan ng opurtunidad upang suportahan ang ninanais na kaunlaran sa pamamagitan ng inilunsad ng Provincial Task Force-End Local Communist Armed Conflict o PTF-ELCAC na Local Government Support Fund para sa Support to the Barangay Development Program (SBDP).

Ang mga barangay na unang makakatanggap o magiging benepisyaryo ng nasabing programa ay ang mga barangay ng Dugsangon at Camboayon na parehong sakop ng bayan ng Bacuag at ang mga barangay na Mahanub, Lahi at Camam-onan na sakop ng bayan ng Gigaquit. Ang mga nasabing barangay din ay nadeklarang ‘cleared’ mula sa presensya ng mga Communist Terrorist Groups o CTG.

Sa pagnanais ng lokal na pamahalaan ng Surigao del Norte na mapabuti at mapalakas ang partisipasyon ng buong katauhan upang maipalaganap ang tinatawag na whole-of-nation approach na naglalayong buwagin na ang kaguluhan na hatid ng terorismo ay nagsagawa ng PTF-ELCAC symbolic launching kamakailan na ginanap sa tanggapan ng Provincial Governor sa Kapitolyo ng Surigao del Norte. 

Ito ay para rin sa pagbibigay ng local government support fund upang matugunan ang mga proyekto sa ilalim ng Barangay Development Program.

Isa sa mga pangunahing ginawang paglulunsad ay ang paggawad ng P20 milyong piso sa mga kapitan ng limang barangay bilang suporta sa kanilang mga proyekto at mapadali ang pag-unlad at pagbangon ng mga komunidad sa mga naturang barangay.

Sa kabuoan, may 49 mga barangay sa probinsya ng Surigao del Norte ang napagkalooban ng P20 milyong piso para sa mga development projects sa pamamagitan ng SBDP ng NTF-ELCAC.

Ayon kay Gov. Francisco “Lalo” Matugas ng Surigao del Norte, malaking tulong ang pagpapatupad ng programang ito ng pamahalaan para sa pagpapaunlad ng kanilang mga barangay.

"Malaki ang aking pasasalamat sa national government lalo na kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang mga pangako na nararamdaman natin na kanyang tinutupad upang wakasan na ang kaguluhan dala ng terorismo sa ating lalawigan. Hindi lamang limang barangay ang makakatanggap ng suporta mula sa LGSF kundi may apat na put siyam tayong barangay na makikinabang para sa suporta sa  mga proyekto na nakapaloob sa BDP. Nawa'y ang pondo na ito ay magsilbing panimula ng isang barangay tungo sa pag-unlad at pagbabago. Hindi dito nagtatapos ang ating layunin na tapusin ang insurhensiya sa kada barangay kundi marami pang programa ang naghihintay para sa kanila," ani Gov. Matugas.

Magkakaroon ng mga ground breaking ceremonies sa susunod na mga buwan na gaganapin sa mga nasabing recipient barangays sa buong probinsya ng Surigao del Norte.

Ang nasabing programa ay dinaluhan din nina Brigadier General George L. Banzon, commander ng 901st Brigade; Lt. Col. Ryan Charles G. Callanta, commander ng 30th Infantry Battalion; opisyal ng SDN Provincial Police Office; Julito P. Go ng Brgy. Mahanub, Romualdo M. Moreno ng Brgy. Dugsangon; Jevelyn D. Abad ng Brgy Camboayon; Indayflor B. Bangga ng Brgy. Camam-onan, at Carmen D. Peruda ng Brgy. Lahi. (30IB, Phil. Army/PIA-Surigao del Norte)