(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 06 August 2021) Southwest Monsoon affecting the country. ACTIVE TROPICAL CYCLONES OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY TROPICAL STORM MIRINAE (FORMERLY GORIO) LOCATION: 975 KM NORTHEAST OF EXTREME NORTHERN LUZON (26.8°N, 130.2°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 75 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 90 KM/H MOVEMENT: EASTWARD AT 15 KM/H TROPICAL STORM LUPIT LOCATION: 580 KM WEST NORTHWEST OF ITBAYAT, BATANES (24.3°N, 117.7°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 75 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 90 KM/H MOVEMENT: NORTH NORTHEASTWARD SLOWLY SEVERE TROPICAL STORM NIDA LOCATION: 3045 KM NORTHEAST OF EXTREME NORTHERN LUZON (34.6°N, 148.7°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 65 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 80 KM/H MOVEMENT: NORTH NORTHEASTWARD AT 20 KM/H TROPICAL DEPRESSION LOCATION: 1,795 KM NORTHEAST OF EXTREME NORTHERN LUZON (30.5°N, 136.2°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 45 KM/H NEAR THE CENTER GUSTINESS: UP TO 55 KM/H MOVEMENT: NORTHWESTWARD AT 20 KM/H Caraga Region will have Partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. Light to Moderate winds coming from Southwest will prevail with Slight to Moderate seas / (0.6 to 2.1 meters).



Saturday, May 22, 2021

CAR, Ilocos Region LGUs naghahanda na sa Mandanas Ruling — NOGRALES

“Nakita nating mataas na ang antisipasyon ng mga Mayor dito sa Northern Luzon sa inaabangang pagpapatupad ng Mandanas Ruling na siyang magpapalawak ng partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan sa delivery ng basic services sa ating mga kababayan.”

Ito ang naging pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siyang naging pangunahing tagapagsalita sa isinagawang 2021 Regional Planning Conference ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) para sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region na isinagawa sa Vigan, Ilocos Sur noong Miyerkules.

Ayon sa kalihim ng Gabinete, kinakailangan ang isang malawakang training at capacity building upang ihanda ang mga lokal na pamahalaan sa tuluyang debolusyon ng mga ahensya ng national government.

“Hindi ito ganun kadali ngunit tiwala tayo na kapag sapat ang pagsasanay at kahandaan ng mga pinunong lokal, maayos nating maisasakatuparan ang desentralisasyon at debolusyon ng mga serbisyong pambayan,” ayon kay Nograles.

Magiging susi umano sa tagumpay nito “ang mga isasagawang malaliman at komprehensibong pagsasanay ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM) at ang mga sangay na isasalokal ang pangangasiwa.”

Bagama’t kulang pa ang mga impormasyon hinggil sa pagpapatupad ng desisyon ng Korte Suprema ukol sa lokal na pangangasiwa ng basic services na kasalukuyang nasa kamay ng national government, nagpahayag naman ng kahandaan ang mga alkalde mula sa CAR at Ilocandia na makibahagi sa mga pagsasanay at “structural and financial reforms” na malaking bahagi ng nasabing desisyon.

Ayon sa alkalde ng Narvacan, Ilocos Sur na si Mayor Luis “Chavit” Singson, “handa kaming makipagtulungan sa national government tungkol dito basta bigyan lang kami ng kapasidad na ipatupad ito ng maayos.”

“Ikinagagalak naming makasama ngayon si Cabsec Karlo Nograles at mga kasama niya mula sa DBM at DILG bilang pangunang hakbang sa implementasyon ng ruling ng Supreme Court dahil marami sa aming mga kasamahan ang nais matukoy ang dapat nilang gawin sakaling matuloy na nga ang debolusyon,” ayon sa alkalde na, kasama ang anak na si Gov. Ryan Singson, ay ang nagsilbing host ng pagpupulong.

Si Mayor Singson ang National President ng LMP, ang organisasyon ng mga alkalde sa buong bansa.

Sa nasabing pagpupulong na dinaluhan ng 120 mga mayor mula sa dalawang regiyon sa Norte, inilatag din ni Nograles ang mga programa ng Zero Hunger Task Force na kanyang pinamumunuan, at ang pinakahuling mga polisiyang binalangkas bilang tugon sa pandemyang Covid19 ng Interagency Task Force on the Management of emerging Infectious Diseases, na nangangailangan ng masusing partisipasyon ng mga lokal na pamalaan. ####