(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Tuesday, 15 July 2025) The Southwest Monsoon (Habagat) continues to affect Mindanao. FORECAST: The Zamboanga Peninsula will experience cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms due to the Southwest Monsoon. These conditions may lead to possible flash floods or landslides, especially during moderate to occasionally heavy rainfall. The rest of Mindanao will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms also influenced by the Southwest Monsoon. Winds will be light to moderate from the southwest, with slight to moderate seas (wave height between 0.6 to 2.1 meters).


Wednesday, September 9, 2020

Dating rebelde, tokhang surrenderees, IPs sa Agusan del Norte sumailalim sa skills training

By Nora C. Lanuza

LUNGSOD NG BUTUAN, Setyembre 9 (PIA) -- Isang skills training ang isinagawa sa Agusan del Norte na nilahukan ng mga dating rebelde, tokhang surrenderees at indigenous peoples (IPs) at mga sundalo upang maging trainers sa kani-kanilang kumonidad hinggil sa organic agricultural production.

Ayon kay Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Agusan del Norte provincial director Rey Cueva, ang team ng mga trainees ay kinabibilangan ng mga sundalo, former rebels, IP, tokhang. Ang nasabing training ay magbigay sa kanila ng kabuhayan at ang skills na kanilang matutunan ay magbibigay dinsa kanila ng trabaho.

Ang Agusan del Norte ay isa sa mga prayoridad na bigyan ng nasabing training, dagdag  ni Cueva.

Mas madaling madeploy sa mga skills training kung ang magconduct nito ay mga taong kakilala na rin sa kumonidad, ayon kay TESDA Caraga regional director Ashary Banto.

Malaki ang pasalamat ni Samuel Calonzo, ang Agricultural Training Institute (ATI) regional director, dahil napiling maibahagi ang agrikultura sa kumonidad lalo na ang organic farming. Ang mga kalahok sa pagsasanay ay maging responsable sa pagturo sa komunidad sa kahalagahan ng organic agriculture farming, ani ni Calonzo.

Sumailalim sila sa tatlong araw na training partikular sa organic vegetable at native chicken production. Ang probinsya sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist Office ang magbibigay ng seedlings a itatanim at ang ATI  naman ang demo farms sa komunidad. (NCLM/PIA Agusan del Norte)