(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 13 September 2024) Southwest Monsoon affecting Southern Luzon, Visayas, and Mindanao. Trough of Severe Tropical Storm (BEBINCA) affecting the rest of Luzon. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms due to Southwest Monsoon. Possible flash floods or landslides due to moderate to at times heavy rains. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Strong winds coming from Southwest will prevail with moderate to rough seas (2.8 to 3.7 meters).


Thursday, August 29, 2019

Caraga stakeholders vow support for EO 70

By Venus L. Garcia

SURIGAO CITY, Surigao del Norte, Aug. 29 (PIA) -- Advancing inclusive and sustainable peace through ‘whole-of-nation’ approach, this is the focus of the pledge of commitment among the members of the Caraga Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) during the 2nd Caraga RTF-ELCAC meeting presided by Cabinet Secretary Karlo Nograles, Cabinet Officer for Regional Development and Security and Caraga RTF-ELCAC Chairperson.

The problem on insurgency and other armed conflict were given priority as mandated in the Executive Order No. 70 of President Rodrigo Duterte.

“Ang Caraga region naman ay isa mga priority regions pagdating dito sa national task force natin. Isa ito sa mga rehiyon na binabantayan talaga ni Pangulo dahil sa insurgency problem. At may mga direktiba galing sa national task force kung kaya ginagawa natin na regular ang pagmimeeting natin dito sa rehiyon (Caraga region is one of the priority regions as considered by the national task force. President Rodrigo Duterte himself gave special attention due insurgency problem. There are specific directives from the national task force that is why we are conducting regular meetings here in the region),” said Nograles.

The twelve clusters of the Caraga RTF-ELCAC also presented the programs, projects and activities, including the budgetary requirement, as contained in the action plan crafted by cluster members.

According to Manuel OrduΓ±a, Regional Director of the National Intelligence Coordinating Council Region 10, the government agencies, local government units and other stakeholders in Caraga are extending full cooperation and providing positive contributions.

He said that the task force is currently amplifying the established Peace and Development Zones or PDZs, a peace-building initiative which promotes the establishment of durable peace by addressing the root causes of conflict in Caraga region.

“All the efforts here in Caraga region are remarkable. The ongoing focused-military operations are proving to be successful against the New People's Army (NPA) rebels. The peace and development zones are already identified where all the government’s resources and efforts will be concentrated,” said OrduΓ±a.

Meanwhile, Department of Science and Technology (DOST) - Caraga Regional Director Dominga Mallonga shared how the agency could contribute in finding solutions to the communist armed conflict.

“There are significant Science and Technology research and innovations that will be beneficial to the Caraganons. In fact, we are set to launch a new project which will be piloted in five high schools,” Mallonga said.

She added that the theme, “Science for the People: Enabling Technologies for Sustainable Development,” of this year’s Science and Technology Week celebration really fits to support the efforts under the EO No. 70 in order to ultimately achieve the goal for sustainable peace and development.

Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Caraga Regional Director Ashary Banto also pointed out the importance of the Technical Vocational Education and Training (TVET) offered by TESDA.

“We will ensure that we will be bringing the trainings to the barangays. So they don’t need to go to the provincial offices. They can easily inquire about their preferred TESDA courses and enrol or avail it for free,” said Banto.

Office of Civil Defense Caraga Regional Director Liza Mazo also mentioned the agency’s role of building capacity for resilience especially among the vulnerable sectors.

“It’s a mandate of the OCD to conduct capacity-building trainings. We already have our local DRRM councils down to the barangays. As such, we are committed to empower the locals, especially in the PDZs, through community-based disaster risk reduction management (CBDRM),” Mazo said.

Nograles urged the RTF-ELCAC members to be more sensitive to the needs and aspirations of conflict-affected communities by finding solutions through the use of retooled community support program (RCSP). (VLG/PIA-Surigao del Norte)

 #WholeOfNationApproach #EO70 #EndLocalArmedConflict

Caraga RTF-ELCAC boosts implementation of concrete PPAs that address insurgency problem

By Jennifer P. Gaitano

BUTUAN CITY, Aug. 29 (PIA) -- The government through the Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) has leveled up the implementation of concrete plans, programs and activities (PPAs) that would address the problem on insurgency in Caraga region.

Among these initiatives include the rehabilitation and establishment of long-term developmental projects for Caraganons to feel the concern and care of the government and to prevent people from the deceptions and recruitment of the New People’s Army to join the terrorist group and fight against the government.

During the 2nd RTF-ELCAC Meeting held in Surigao City with the presence of Cabinet Secretary Karlo Nograles, Cabinet Officer for Regional Development and Security and Chairperson of RTF-ELCAC in Caraga, each cluster thoroughly assessed the formulated action plans for the implementation of Executive Order No. 70 or the whole of nation approach to attain lasting peace in the region.

The RTF-ELCAC has also discussed the ongoing activities of the Task Force Siargao, Task Force Socorro and updates of Surigao City Airport Upgrading Project, Sayak Airport Development, Tandag City Airport Development, Surigao del Norte Nautical Highway, and Leyte-Surigao Bridge.

In his report, regional director Atty. Felix Alicer of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) Caraga bared that the Task Force Siargao conducted an inspection to more than 1,000 establishments in several barangays of General Luna, Surigao del Norte and 671 of these are tourism-related establishments.

Meanwhile, CabSec. Nograles lauded the local officials of Surigao del Norte and Surigao City, who served as hosts of the meeting and acknowledged them for their support and active participation in all the initiatives and efforts of the RTF-ELCAC and for doing its best to stop the insurgency in the region.

Surigao del Norte governor Francisco Matugas said that despite of the great challenge in resolving the problem on insurgency, he is still positive that nothing is impossible when people unite and work together towards a common goal.

Also, Surigao City Mayor Ernesto Matugas, Jr. expressed that Caraganons will soon experience sustained peace and development in Caraga region. The government would further intensify the conduct of medical/dental mission; basic social services and other programs, which have been part of their priorities. (JPG/PIA-Caraga)

RTF-ELCAC sa Caraga puspusan sa pagsakatuparan sa mga programang tutugon sa problema ng insurhensiya

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 29 (PIA) -- Mas pinaiigting pa ng pamahalaan ang pagsagawa ng ibat-ibang aktibidad  na tumutugon sa problema ng insurhensiya sa rehiyon ng Caraga.

Kabilang na dito ang pagsasaayos at pagpapatayo ng mga proyekto pangkaunlaran para mas maramdaman ng mga Caraganon ang malasakit ng gobyerno at hindi na malinlang at makumbinse ng New People’s Army na sumali sa kanilang grupo at lumaban sa pamahalaan.

Sa isinagawang 2nd Regional Task Force to End Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) Meeting sa Surigao City kasama si Cabinet Secretary Karlo Nograles, Cabinet Officer for Regional Development and Security at Chairperson ng RTF-ELCAC sa Caraga, hinimay-himay ng bawat cluster ang action plans na tumutugon sa implementasyon ng Executive Order No. (EO) 70 o ang 'whole-of-nation' approach sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.

Napag-usapan din ang mga ginagawang hakbang ng Task Force Siargao, Task Force Socorro, at updates sa Surigao City Airport Upgrading Project, Sayak Airport Development, Tandag City Airport Development, Surigao del Norte Nautical Highway, at Leyte-Surigao Bridge.

Sa kanyang report, ibinahagi ni Atty. Felix Alicer, direktor ng Department of Environment and Natural Resources, na nagsagawa ng inspeksyon ang Task Force Siargao sa mahigit 1,000 establisyemento sa ilang barangay sa General Luna, Surigao Del Norte at 671 nito ay tourism-related establishments.

Pinuri ni Cabinet Secretary Nograles ang mga lokal na opisyal lalo na ang naging host sa nasabing meeting, ang local government unit ng Surigao del Norte at Surigao City sa kanilang ipinakitang interes at suporta sa mga inisyatibo ng RTF-ELCAC at sa pakikiisa sa hangarin nito na sugpuin ang insurgency sa rehiyon.

Binigyang-diin ni Surigao del Norte Gob. Francisco Matugas na bagamat malaking hamon ang pagresolba sa patuloy na problema sa insurgency, kung may pagtutulungan at pagkakaisa ay walang imposible.

Ito rin ang paniniwala ni Surigao City Mayor Ernesto Matugas, Jr. na hindi magtatagal at mararanasan din ng mga Caraganon ang payapa at matiwasay na pamumuhay sa rehiyon. Mas palalawakin pa nila pagsagawa ng medical at dental mission; basic social services; at iba pang programa na bahagi rin sa kanilang tinututukan ngayon. (JPG/PIA-Caraga)

Commitment signing, naging highlight sa 2nd RTF-ELCAC meeting

By Venus L. Garcia

LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte, Agosto 29 -- Pagsulong ng inclusive at sustainable peace sa pamamagitan ng ‘whole-of-nation’ approach, ito ang naging sentro ng pledge of commitment ng mga miyembro ng Caraga Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict o RTF-ELCAC sa isinagawang 2nd Caraga RTF-ELCAC meeting na pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, Cabinet Officer for Regional Development and Security at Caraga RTF-ELCAC Chairperson.

Dito ay binigyang prayoridad ang paglutas sa problema ng insurhensiya, batay na rin sa nakasaad sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang Caraga region naman ay isa mga priority regions pagdating dito sa national task force natin. Isa ito sa mga rehiyon na binabantayan talaga ni Pangulo dahil insurgency problem. At may mga direktiba galing sa national task force kung kaya ginagawa natin na regular ang pagmimeeting natin dito sa rehiyon,” sabi ni Nograles.

Sa isinagawang meeting ay nabigyan ng pagkakataong maipresenta ang mga programa, proyekto at aktibidad kasama ang budgetary requirement na nilalaman sa nabalangkas na action plan ng labindalawang cluster ng Caraga RTF-ELCAC.

Ayon kay Manuel OrduΓ±a, direktor ng National Intelligence Coordinating Council Region 10, positibo ang pagtutulungan ng bawat lokal na ahensya ng pamahalaan sa Caraga.

Sa kasalukuyan ay naitatag at pinapalawig na anya ang Peace and Development Zones o PDZs bilang stratihiya na mapalaganap ang peace development process at matugunan ang puno’t dulo ng insurhensiya at iba pang hidwaan.

“Lahat ng efforts dito sa rehiyon ng Caraga ay maganda. Andyan ang focused military operations. Na-identify na rin ang peace and development zones kung saan lahat ng resources at serbisyo ng gobyerno ay nakatuon,” sabi ni OrduΓ±a.

Samantala, ibinahagi naman ni Department of Science and Technology (DOST)-Caraga regional director Dominga Mallonga ang magiging kontribusyon ng kanilang ahensya sa paglutas ng communist armed conflict.

“Mayroon tayong mga science and technology research at innovations na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga Caraganons. Sa katunayan ay may bago tayong proyekto na nakatakdang ilulunsad sa limang pilot high schools,” sabi ni Mallonga.

Naangkop din anya ang tema ngayong taon ng Science and Technology Week celebration na “Science for the People: Enabling Technologies for Sustainable Development” sa mga hakbang sa ilalim ng EO No. 70 upang tuluyan ng makamit ang hangad na kapayapaan at sustainable development.

Ayon naman kay Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Caraga regional director Ashary Banto, malaki ang papel ng Technical Vocational Education and Training (TVET) ukol rito.

“Tinitiyak ng aming ahensya na dalhin ang mga trainings sa mga barangay. Kaya hindi na sila kailangang pumunta sa provincial offices dahil madali nalang ang pagsiyasat tungkol sa gusto nilang i-enrol na libreng kurso ng TESDA,” sabi ni Banto.

Pahayag din ni Office of Civil Defense Caraga regional director Liza Mazo na mandato ng OCD na magsagawa ng mga capacity building training dahil mayroon na umanong local DRRM council sa mga barangay. “Ito yung community-based disaster risk reduction management  o CBDRM at doon tayo nakatutok sa mga PDZs,” sabi ni Mazo.

Hinikayat ni Cabinet Secretary Nograles ang mga miyembro ng RTF-ELCAC na maging sensitibo sa mga pangangailangan at hangad ng conflict-affected communities sa pagresolba ng problema sa pamamagitan ng retooled community support program. (VLG/PIA-Surigao del Norte)

#EndLocalCommunistArmedConflict #EO70 #WholeOfNationApproach


Police stations receive award for significant accomplishments

By Jennifer P. Gaitano

BUTUAN CITY, Aug. 29 (PIA) -- In time with the celebration of the 118th Police Service anniversary of the Philippine National Police (PNP) Caraga, several police stations in the region were awarded for their successful operations in the different campaigns of the government.

In the said celebration attended by Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, deputy PNP chief for operations, together with PNP Caraga regional director Police Brigadier General Gilberto DC Cruz, the Surigao del Sur Police Provincial Office received plaque and trophy for facilitating the safe surrender of Hermado Quezada, commander of Guerilla Front Committee 30, along with other leaders of the New People's Army. They were also recognized for leading in the campaign against illegal fishing, logging, and for confiscating the 37 bricks of cocaine worth more than P235-million.

Butuan City Police Office followed, as it successfully facilitated the safe surrender of Ramilo Natividad, secretary of Section Committee 15, Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), and for being the best performing unit in the campaign against illegal mining and illegal gambling.

The Dinagat Islands Police Provincial Office also received an award for confiscating 47 bricks of cocaine worth more than P289 million. Same with Surigao del Norte Police Provincial Office for confiscating 37 bricks of cocaine worth more than P483 million.

Also awarded was Agusan del Norte Police Provincial Office as best performing unit of Project Double Barrel Reloaded and for arresting the most wanted person.

Agusan del Sur Police Provincial Office was also recognized as the best performing unit in the campaign against loose firearms.

Best supporting unit in internal security operation was also conferred to the 1st Special Action Battalion.

In his message, Gamboa thanked all the personnel of said units or police stations for their continued efforts in implementing the rule of law and for performing well their functions and responsibilities.

He further urged them to intensify their efforts and initiatives in order to prevent any form of criminality and to sustain peace and development in Caraga region.

Meanwhile, apart from the awards given to the different police stations in Caraga, several individuals and partner stakeholders were also awarded for their contribution to the successful operations and campaigns of the PNP. (JPG/PIA-Caraga)

Caraga RTF-ELCAC present action plans vs insurgency

By Jennifer P. Gaitano

BUTUAN CITY, Aug. 29 (PIA) -- After days of tedious formulation of action plans by the different clusters under the Regional Task Force To End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) held here, all have been ironed out and presented during the joint during the 2nd RTF-ELCAC meeting on Tuesday, August 27 in Surigao City.

“Members of the different clusters convened to firm up their respective action plans and these were presented during the 2nd RTF-ELCAC meeting with Cabinet Secretary Karlo Nograles,” bared Director Lilibeth Famacion of the Department of the Interior and Local Government (DILG)-Caraga.

Undersecretary Joann Burgos of the Office of Cabinet Secretary, stressed the need for member-agencies to fully understand their respective functions and responsibilities in the task force to attain its common goal and that is to end the insurgency in Caraga region and attain sustainable peace and development.

She said Caraga is one of the most challenged areas in the country when it comes to peace and order.

“Cabinet Secretary Nograles is looking forward to be working with the different clusters in Caraga to address the insurgency concerns in the region and for a more peaceful and developed Caraga,” Burgos said.

According to Assistant Regional Director Roy Kantuna of the National Economic and Development Authority (NEDA) Caraga, this initiative of finalizing the actions plans for a comprehensive implementation of the Executive Order (EO) No. 70 is very timely, as these will also be used in the updating of the regional development plan, wherein the conflict-affected areas in the region are identified and given due attention for the establishments of investment programs.

It can be recalled that EO No. 70 was signed by President Rodrigo Roa Duterte on December 4, 2018, and since then, government agencies have conducted various strategies to address the problem on insurgency in the country. (JPG/PIA-Caraga)

Mga nabuong action plans sa bawat cluster ng RTF-ELCAC, plantsado na

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 29 (PIA) - Matapos ang puspusang pagbuo ng action plans ng bawat cluster sa ilalim ng Regional Task Force To End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa lungsod ng Butuan, plinansta na ito at handa ng ipresenta sa gaganaping joint Regional Development Council (RDC) at Regional Peace And Order Council (RPOC) meeting sa Surigao City sa August 27.
Ayon kay regional director Lilibeth Famacion ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Caraga, nagtipon-tipon ang mga miyembro ng ibat-ibang clusters sa RTF-ELCAC ng rehiyon upang mas maging organisado ang kanilang mga plano sa paglaban sa insurhensiya sa Caraga.

Binigyang-diin ni Undersecretary Joann Burgos ng Office of Cabinet Secretary, na kinakailangang maintindihang mabuti ng bawat member-agencies sa task force ang kani-kanilang tungkulin at kontribusyon upang maisagawa ang nakasaad sa action plans ng mga ito at makamit ang intensyon na sugpuin ang insurgency sa rehiyon ng Caraga.

Dagdag pa niya, ang Caraga ay isa sa mga problemadong lugar pagdating sa peace and order sa bansa.

“Ang Caraga is isa sa mga lugar na patuloy pang tinutugunan ang problema sa insurgency. Tutulong din si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga clusters kasama ang iba pang sector sa rehiyon upang mas maging payapa at maunlad ang Caraga,” sabi ni Burgos.

Napapanahon naman para kay assistant regional director Roy Kantuna ng National Economic and Development (NEDA) Caraga ang pagbuo at pag-finalize ng action plans para sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 70 dahil magagamit ito sa pag-update ng Regional Development Plan kung saan tinututukan ang  conflict affected areas ng rehiyon at potential investment programs para dito.

Matatandaan na ang EO No. 70 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong December 4, 2018 at mula noon ay puspusan na ang pagsagawa ng ibat-ibang stratehiya ng mga mga ahensiya ng pamahalaan upang matugunan ang problema ng insurgency sa bansa. (JPG/PIA-Caraga)

Caraga police stations pinarangalan sa kanilang matagumpay na operasyon sa ibat-ibang kampanya ng gobyerno

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 29 (PIA) -- Kasabay sa selebrasyon ng ika-118th Police Service Anniversary ng Philippine National Police (PNP) Caraga, pinarangalan ang mga natatanging police stations sa rehiyon dahil sa kanilang mga matagumpay na operasyon at kampanya sa ibat-ibang komunidad.

Sa nasabing selebrasyon na dinaluhan ni Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, Deputy PNP Chief for Operations, kasama si PNP Caraga Regional Director Police Brigadier General Gilberto DC Cruz, tumanggap ng plake at tropiya ang Surigao del Sur Police Provincial Office dahil sa pagtulong sa maayos na pagsuko ng komander ng Guerilla Front Committee 30 na si Hermano Quezada at iba pang leaders ng grupong New People's Army. Nangunguna din ito pagdating sa kampanya laban illegal fishing, illegal logging, at sa kanilang pagkumpiska ng 37 bricks ng cocaine na nagkakahalagang mahigit P235 million.

Sumunod dito ang Butuan City Police Office na tumulong din sa maayos na pagsurender ni Ramilo Natividad, secretary ng Section Committee 15, Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), at sa pagiging best performing sa kampanya laban illegal mining at illegal gambling.

Tumanggap din ng parangal ang Dinagat Islands Police Provincial Office dahil sa kanilang pagkompiska sa 47 bricks ng cocaine na nagkakahalagang mahigit P289 million. Ganun din ang Surigao Del Norte Police Provincial Office na nakakompiska ng 37 bricks of cocaine na nagkakahalagang mahigit P483 million.

Napabilang din ang Agusan del Norte Police Provincial Office as best performing unit sa Project Double Barrel Reloaded at sa pag-aresto ng most wanted person.

Ang Agusan del Sur Police Provincial Office naman bilang best performing unit sa kampanya laban loose firearms.

Ganun din ang 1st Special Action Battalion as best supporting unit sa internal security operation.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Gamboa ang mga kawani ng mga nasabing unit o police stations sa kanilang pagsisikap at sa paggawa ng kanilang tungkulin at responsibilidad sa bayan.

Hinimok din niya ang lahat na mas patatagin pa ang kanilang mga inisyatibo upang masugpo ang ano mang uri ng kriminalidad at mapanatiling maayos at payapa ang rehiyon ng Caraga.

Samantala, maliban sa mga nabanggit na police stations ng rehiyon, tumanggap din ng award ang natatanging indibidwal na may malaking naitulong sa kapulisan upang maging matagumpay ang mga kampanya nito. (JPG/PIA-Caraga)