100 kabataang IPs tumanggap ng gamit
pang-eskwela mula sa PNP-Caraga
By Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 24 (PIA)
-
May 100 kabataang Indigenous Peoples (IPs) mula sa Mamanwa tribe ng Sitio
Kugtong, Barangay Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte ang tumanggap ng mga
gamit pang-eskwela mula sa Philippine National Police (PNP) Caraga at sa tulong
ng isang private donor.
Sa isinagawang gift-giving
activity ng PNP-Caraga, pinangunahan ni Police Brigadier General Gilberto DC
Cruz, ang pamimigay ng school bag, notebooks, papel, at iba pang gamit
pang-eskwela sa lahat ng benepisyaryo.
Tinanggap naman ito ng mga
kabataang lumad na may ngiti sa kanilang mukha.
Ayon kay Cruz, mahalaga ang
kontribusyon ng ips sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad
kaya nararapat lang din aniya na sila'y pagtuunan ng pansin ng pamahalaan at
iabot sa kanila ang kanilang mga pangangailangan.
“May mga programa para sa inyo ang
gobyerno kaya makatutulong po ang inyong suporta sa para na rin po sa
kinabukasan ng inyong mga anak,” sabi ni Cruz.
Dagdag pa ng opisyal, madalas ang
mga IPs ay nabibiktima ng karahasan ng mga New People’s Army (NPA).
Isa lang aniya ito sa marami pang
aktibidad na gagawin ng kanilang ahensiya para sa IP sector. (JPG/PIA-Caraga)