(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Friday, 06 September 2024) Southwest Monsoon affecting Central Luzon, Southern Luzon, and Visayas. Trough of Super Typhoon {YAGI} (formerly "ENTENG") affecting Extreme Northern Luzon. Southwest Monsoon affecting the rest of Luzon. TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY SUPER TYPHOON YAGI (2411) LOCATION: 825 KM WEST OF NORTHERN LUZON (19.2°N, 112.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 195 KM/H GUSTINESS: UP TO 240 KM/H MOVEMENT: WESTWARD AT 20 KM/H 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from South to Southwest will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Tuesday, February 26, 2019


Tandaganon fishermen recover bricks of cocaine off Surigao Sur

By Nida Grace P. Barcena

34 bricks of Cocaine found in the coastal area of Surigao del Sur. (Photo credit Tandag City Police Station)
TANDAG CITY, Surigao del Sur, Feb 26 (PIA) – Two fishermen found 34 bricks of suspected cocaine with the same packaging and markings as the ones found on the shore of Dinagat Island in the Caraga region last week.

During the inventory conducted on February 24, 2019 in Barangay Bongtud this city, the bricks weighed around 43.62 kilograms and worth P231 million in the street market.

Police Regional Office-13 Regional Director Police Brigadier General Gilberto Cruz and Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) personnel conducted the inventory with the presence of Police Provincial Office chief Police Colonel Francisco Dungo Jr. and Tandag City Mayor Alexander Pimentel.

Based on the PNP report, the two fishermen who found the contraband were residents of Barangay Bongtud were identified as Ryan Buday Apelo, 23 yrs old; and Ronnie Arpilleda Navales, 49 yrs old.

According to Tandag City Police chief Police Major Ray Sorreda, the two fishermen who found the contraband received the reward from the PRO-13 chief Pol/BGen Cruz and Mayor Pimentel.
PRO-13 chief Police BGen Gilberto Cruz (3rd from left), and Tandag City Mayor Alexander Pimentel (4th from left) hand-over the reward to the two fishermen who found the contraband contained 34 bricks of Cocaine. (Photo credit to Tandag City policce Station)

“The PNP thru PRO chief handed-over Php60,000.00 as a monetary reward with four sacks of rice, and Php10,000.00 cash from Mayor Pimentel,” Police Major Sorreda said.

Sorreda added, the 34 bricks found in Surigao del Sur were all tested positive for cocaine. (PIA-Surigao del Sur)

2019 CAA-RSC naging kaabang-abang para sa mga kalahok

By Jennifer P. Gaitano

LUNGSOD NG BUTUAN, Peb. 26 (PIA) - Naging kaabang-abang ang pagbubukas ng Caraga Athletic Association – Regional Sports Competition ngayong taon na isinagawa sa Provincial Sports Complex sa lungsod ng Surigao.

Sa entrance of colors at saludo performance, kung saan suot ang kanilang makukulay na sports uniform na kumakatawan ng kani-kanilang delegasyon, pinakita ng mga kalahok ang kanilang tibay ng loob at determinasyon na manalo sa ibat-ibang palaro sa gagawing regional sports competition mula February 24 hanggang March 1.

Napuno ng hiwayan at palakpakan ng supporters ang buong sports complex nang isa-isa nang tinawag ang delegasyon mula sa ibat-ibang lungsod at probinsya ng rehiyon na nagpamalas pa ng kanilang galing sa pagsasayaw.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Caraga Regional Director Francis Cesar Bringas, layon ng palaro na hasain ang interes at kagalingan ng mga estudyante sa ibat-ibang sports o laro na magdadala rin sa kanila sa tagumpay na kanilang inaasam.

Inspirasyon din daw ito sa ibang kabataan na makilahok sa taunang kompetisyon at nang malayo rin sila sa ibat-ibang bisyo nga makakasama sa kanilang sarili at pag-aaral.

Ibinahagi naman ni Maricris Espadero, 17 taong gulang at nasa Grade 11 mula sa Dapa National High School sa Siargao Islands, na isa rin sa mga kalahok ng rythmic gymnastics ang kanyang pasasalamat sa kanyang pamilya sa buong suporta na ibinibigay nito sa kanya, maging ang kanyang pananabik na maipakita sa lahat ang kanyang galing.

Samantala, sa Siargao Islands, Surigao del Norte gaganapin naman ang nasabing kompetisyon sa susunod na taon. (JPG/PIA-Caraga)

Kampanya kontra tigdas mas pinaigting sa rehiyon ng Caraga

By Venus L. Garcia

LUNGSOD NG BUTUAN, Pebrero 26 (PIA) - Gaano man kaalaga ang mga magulang sa kanilang mga anak, nais pa rin tiyakin ng pamahalaan at ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) Caraga na ligtas ang mga ito sa tigdas at sa kumplikasyong dulot nito.

Base sa datos ng DOH CHD-Caraga, mula Enero a-uno hanggang Pebrero katorse ngayong taon ay pumalo na sa 159 na kaso ng tigdas ang naitala sa buong rehiyon kung saan may pinakamataas na 52 na kasong tigdas sa lungsod ng Surigao; 32 sa probinsiya ng Agusan del Sur; 29 sa Surigao del Norte; 24 sa Surigao de Sur; ito sa Dinagat Islands; anim sa Agusan del Norte; at may siyam pa sa magkakaibang lungsod.

Ngunit ayon kay Dr. Dioharra Aparri ng DOH CHD-Caraga, nadagdagan ito ng sampung kaso makalipas lamang ang isang linggo. Kaya umabot na sa 208 na kaso ang meron sa rehiyon sa kasalukuyan.

Kaya bilang tugon sa pagdami ng kaso ng tigdas, pinaigting pa ng DOH CHD-Caraga, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at health office ang kampanya kontra tigdas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng libreng pagbabakuna sa iba’t ibang lugar ng rehiyon.

“Ang lokal na health offices natin ay nagsagawa na ng pagbisita sa mga kabahayan para bakunahan ang mga batang may edad anim hanggang 59 na buwan,” sabi ni Dr. Jose Llacuna, Jr., DOH CHD-Caraga regional director.

Ayon Llacuna, ang tigdas o measles ay isang viral disease na nakakahawa at maaring maipasa sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing at simpleng pakikipag-usap sa may sakit na tigdas.

Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng lagnat, sipon at ubo, pamumula at pagmumuta g nga mata, kakaibang rashes sa buong katawan.

“Ang ikinababahala natin ay ang mga komplikasyon nito gaya ng pneumonia, encephalitis at diarrhea na maaring dahilan ng dehydration,” sabi ni Llacuna

Bagamat aminado naman ang DOH CHD-Caraga na bumaba ang immunization rate noong nakaraang taon lalo na sa mga nasabing lugar na may maraming kaso ng tigdas, patuloy ang puspusang paghimok ng doh na bigyan ng sapat na proteksiyon ang kanilang anak sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

“Ang pagbabakuna ay pinakaepektibo pa ring pamamaraan ng pagpigil ng nakakahawang sakit gaya ng tigdas. Sana po lahat ng mga magulang ay magpunta na sa regional health units (RHU) at iba pang health office para mapabakunahan ang kani-kanilang anak. Nakatitiyak naman ang ahensya na mayroon tayong sapat na suplay ng vaccines,” sabi ni Llacuna.

Sa ngayon ay nagtalaga na ang mga ospital ng measles fast lane para bigyang prayoridad ang mga pasyenteng may tigdas.

Magsasawaga rin ang DOH CHD at Deped Caraga ng selective immunization sa mga grades one to six na mag-aaral, kaya hinihikayat ang mamamayan na magpabakuna na para iwas tigdas. (VLG/PIA-Caraga)