(PAGASA 24-HOUR PUBLIC WEATHER FORECAST as of Monday, 09 September 2024) Southwest Monsoon affecting Central Luzon, Southern Luzon, and Visayas. Trough of Super Typhoon {YAGI} (formerly "ENTENG") affecting Extreme Northern Luzon. Southwest Monsoon affecting the rest of Luzon. TROPICAL CYCLONE OUTSIDE PAR AS OF 3:00 AM TODAY SUPER TYPHOON YAGI (2411) LOCATION: 825 KM WEST OF NORTHERN LUZON (19.2°N, 112.8°E) MAXIMUM SUSTAINED WINDS: 195 KM/H GUSTINESS: UP TO 240 KM/H MOVEMENT: WESTWARD AT 20 KM/H 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte and Surigao del Sur will experience partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms due to Localized Thunderstorms. Possible flash floods or landslides during severe thunderstorms. 𝗙𝗒π—₯π—˜π—–π—”π—¦π—§ π—ͺπ—œπ—‘π—— 𝗔𝗑𝗗 π—–π—’π—”π—¦π—§π—”π—Ÿ π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—–π—’π—‘π——π—œπ—§π—œπ—’π—‘: Light to moderate winds coming from South to Southwest will prevail with slight to moderate seas (0.6 to 2.5 meters).


Monday, January 21, 2019


579 pamilya, apektado ng bagyong “Amang” sa Caraga

By Venus L. Garcia

LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte, Enero 21 (PIA) -- Biyernes pa lang nitong nakaraang linggo ay agad-agad na isinagawa ng core team ng Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC na pinangunahan ni Office of Civil Defense Caraga regional director at RDRRMC chairperson Liza Mazo ang Emergency Response Preparedness Meeting bilang paghahanda sa tropical depression “Amang” na posibleng magdulot ng pagbaha at landslide sa ibat-ibang lugar ng rehiyon.

Sa isinagawang preemptive evacuation, may limang daan at pitumpu’t siyam na pamilya o 2,859 na indibidwal ang nagsilikas sa probinsya ng Agusan del Norte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur at pati na rin lungsod ng Butuan na pawang nasa designated evacuation centers sa kasalukuyan.

Base naman sa pinakahuling datus na nakalap galing sa Philippine Ports Authority ng Surigao City, ang stranded na pasahero ay umabot naman sa isang daan at apatnapu’t walo at tatlumpu’t walong rolling cargoes ang naantala sa Lipata Port.

Limampu’t siyam na indibidwal at may 22 rolling cargoes naman sa Surigao City Base Port ang stranded.

Mayroong 84 na stranded na pasahero din sa pantalan ng Nasipit, Agusan del Norte na kinabibilangan ng 10 senior citizens, 10 minors at 94 na adults.

Namigay naman ng pagkain ang port management office sa mga nastranded na pasahero.

Bagaman lifted na ang ipinapatupad na “no sail” policy ng Nasipit Port, may 1,187 na mga pasaherong stranded na nasa loob pa ng barko na hinihintay pa rin ang nakatalagang schedule ng paglalayag.

Dahilan ng pagtaas ng tropical cyclone warning signal number 1 na nagdulot ng malakas na pag ulan kung saan ay binaha ang ilang parte ng rehiyon,  nagsuspinde na rin ng klase ang mga lokal na pamahalaan ng Caraga region mula preschool hanggang senior high school sa pampubliko at pampribadong  paaralan.

Samantala, napag-alaman din na ang ilang munisipyo sa Surigao del Sur ay nakakaranas ng power interruption at naibalik naman kahapon ng hapon ang power supply sa lugar ng Lianga hanggang Cortes.

May mga kinansila ding round trip flights ng cebu pacific airlines patungong siargao galing Maynila.

Wala pa namang naiulat na impassable roads sa buong rehiyon ngayon.

Tumama sa kalupaan ng Siargao ang naturang kauna-unahang bagyo sa taong ito bandang 8:00 ng gabi sa Siargao Island, Surigao del Norte noong Linggo, Enero 20, 2019.

“Patuloy ang pakikipag-ugnayan natin sa mga lokal na DRRMC at response clusters para sa updates at upang matugunan ang ano pamang tulong na kinakailangan ng publiko. Siniguro natin ang kahandaan at inaasahan pa rin natin ang kooperasyon at pang-unawa sa ginagawang proactive measures para sa kaligtasan ng bawat isa,” sabi ni Mazo. (VLG/PIA-Surigao del Norte)