At least 6 dead after 6.7-magitude earthquake rocks
Surigao City
By Venus L. Garcia
BUTUAN CITY, Feb 11 (PIA) – The powerful earthquake
that struck Surigao City evening of February 10, 2017 has snatched the life of
six individuals identified as Robert Eludo, Jr., JM Ariar, Lito Wilson, Lorenzo
Deguino, Roda Justina Taganahan and Wenefreda Aragon Bernal who had experienced
blunt trauma, heart attack and was hit by a collapsed wall as causes of their
death.
A total of 108 individuals were also injured in Surigao
City, Surigao del Norte.
The quake, which the Philippine Institute of
Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) said hit at a depth of four kilometers,
was initially determined to be at 9.83 degrees north latitude and 125.37
degrees east latitude.
Maximum shaking was Intensity VI in Surigao City
and Pintuyan, Southern Leyte. Intensity V in Mandaue City; San Ricardo,
Limasawa and San Francisco, Southern Leyte. Intensity IV in Hinunangan,
Southern Leyte and Butuan City. Intensity III in Hibok-hibok, Camiguin, Tolosa
and Tacloban, Leyte; Bislig City; and Gingoog City. Intensity II in Cagayan de
Oro City; Talacogon, Agusan del Sur; Dumaguete City; and Davao City.
However, per info from Pacific Tsunami Warning
Center, there is no tsunami warning, advisory, watch, or threat in effect.
Since yesterday evening, Surigao City is
experiencing unexpected power outage after a strong tremor that lasted about
5-7 seconds. Aftershocks were also felt, an hour after the earthquake hit.
The quake caused a fair bit of panic in Surigao
City. There were cars, motorcycles and tricycles lined up trying to get to
higher ground. Some residents living in coastal areas sought refuge at the
Provincial Convention Center and capitol grounds.
Meanwhile, the Anao-aon Steel Bridge in the
municipality of San Francisco, Surigao del Norte has collapsed and is not
passable while some roads are partly damaged.
Surigao City and municipalities of Malimono, Sison,
San Francisco, Mainit and Taganaan, all in the province of Surigao del Norte are
now on blackout.
Also, Malico and Kinabutan Bridges along Maharlika
Highway in Brgy, Rizal, Surigao City are only passable to light vehicles due to
some cracks on the road pavement.
Bridges along the national highway going to Lipata
also suffered serious cracks. Lipata Ferry Terminal is temporarily closed.
Thus, all vehicles in and out of Lipata Ferry Terminal are diverted to Surigao
City Port.
Due to the extent of damages at the Surigao City's
airport runway, Surigao City Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)
officer-in-charge Engr. Junelito Abrazado declared this morning suspension of
all flights in Surigao City.
The Surigao City Disaster Risk Reduction and
Management Office (DRRMO) with Special Rescue Unit of Bureau of Fire and Protection,
30th IB, Phil. Army and Surigao City Incident Management Team conducted search
and rescue operations in Brgy. Poctoy, Surigao City. (VLG/PIA-Caraga)
Tagalog News: 4th CMO battalion na nakabase sa
lungsod ng Butuan may bagong commander na
Ni Venus L. Garcia
LUNGSOD NG BUTUAN, Peb. 11 (PIA) - Pormal nang
umupo bilang bagong battalion commander ng 4th Civil-Military Operations
(Kasaligan) Battalion ng Philippine Army si Lt. Col. Manuel Valdez kapalit ni
Lt. Col. Rey Pasco sa isinagawang change of command ceremony na ginanap sa
Advance Command Post, Camp Bancasi na nakabase dito sa lungsod ng Butuan.
Ang naturang turn-over ceremony ay mismong
pinangunahan ni presiding general officer MGen Benjamin Madrigal, Jr.,
commander ng 4th Infantry Division.
Anya, ang civil-military operations (CMO) battalion
na isa sa mga major units ay kinakailangang pamumunuan ng isa sa mga
pinakamagaling sa hanay ng mga sundalo nang sa gayun ay mas lalo pa nitong
mapagtibay ang stakeholder engagements at maipaabot ng maayos ang natatanging
serbisyo sa komunidad.
Pinalitan ni Lt. Col. Valdez si Lt. Col Rey Pasco
na siyang nakatakdang sasailalim sa command general staff course (CGSC) ngayong
darating na Marso.
Kinilala naman sa naturang okasyon ang dedikasyon
ni Lt. Col. Pasco sa maayos na pagpapalaganap ng disiplina, law at order at
natatanging intelligence-driven activities sa kanyang area of responsibility.
Pinasalamatan naman ni Lt. Col. Pasco ang mga
naging kabalikat nito na partner-stakeholders at ang publiko sa suportang
ibinigay sa Kasaligan battalion sa ilalim ng kanyang liderato.
Samantala, nangako naman si Lt. Col. Valdez na
haharapin ang kanyang bagong hapon sa katungkulan. Tiniyak din niyang
ipagpatuloy ang mga nasimulang programa sa pamumuno ni Lt. Col. Pasco.
Hangad ng dalawang opisyal na patuloy na maipamalas
ang pangkapayaaan at pangkaunlarang mithiin nito. Malugod naman na inabot ni
Lt. Col. Pasco kay MGen Madrigal ang kanyang after tour of duty report sa
okasyun ding iyon. (VLG/PIA-Caraga)
Tagalog News: 4 na katao patay sa magnitude 6.7 na
lindol sa Surigao del Norte
Ni Jennifer P. Gaitano
LUNGSOD NG BUTUAN, Peb. 11 (PIA) - Umabot na sa
apat na ka tao ang kompirmadong patay mula sa nangyaring lindol na tumama dito
sa probinsya ng Surigao del Norte at mga karatig-probinsya byernes ng gabi.
Ang lindol na umabot sa 6.7 magnitude ay tumama sa
may hilagang kanluran ng Surigao City, ayon sa report ng Phivolcs. Umabot sa
intensity 6 ang naranasan ng mga surigaonon bandang alas-dyes ng gabi.
Agad namang lumikas sa mas mataas na lugar ang
karamihan ng mga residente sa kaba na may mangyayaring tsunami matapos ang
malakaas na lindol.
Base sa report ng Surigao Cty Disaster Risk
Reduction and Management Council (CDRRMC), nakilala ang apat na nasawi na sina
Robert Eludo Jr., 39 years old; JM Ariar, 4 years old; Lito Wilson, nasa 22-28
years old, at Lorenzo Deguinio, 86 years old. Ayon naman sa regional DRRMC,
umabot na rin sa 14 na ka-tao ang na-ospital sa Caraga Regional Hospital at may
61 outpatients. May 12 kasalukuyang ginagamot sa bayan ng Sison at Placer,
Surigao del Norte.
Kinomperma ni RDRRMC chairperson at OCD Caraga
regional director Rosauro Arnel Gonzales, may ilan ring infrastrakturang nasira
dahil na malakas na lindol. Kabilang dito ang Anao-aon Bridge sa bayan ng San
Francisco, Surigao del Norte at ilang mga daan na bahagyang nasira at hindi
madaanan.
Mayroon ding mga bahay at pader na nag-collapse sa
bayan ng Sison, Surigao del Norte. May mga damages naman sa mga kabahayan na
naitala sa bayan ng Mainit, Surigao del Norte maging sa mga daanan nito.
Ang Surigao City Trade School, Surigao State
College of Technology at iba pang establisemento ay bahagya ring nasira.
Naranasan din ang total blackout sa mga bayan ng nasabing probinsya.
Nakansela rin ang byahe sa paliparan ng Surigao
City dahil sa nasirang runway. At maging ang operasyon ng mga sasakyang
pandagat sa Lipata Port terminal ay pansamantalang inilipat sa surigao city
port dahil sa bitak-bitak na daan at sirang terminal. (JPG/PIA-Caraga)