7.17.2016

Sunday, July 17, 2016


Army supports KBP Oplan Broadcastreeing 2016

By 1Lt Karl Jan Devaras

BUTUAN CITY, July 17 (PIA) – The 4th Infantry (Diamond) Division (4ID), Philippine Army here supports this year’s Oplan Broadcastreeing activity of the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Agusan del Norte-Butuan City Chapter set on August 6, 2016, 6:00 a.m. at Camp Bancasi planting site.

LTC Rey Pasco, executive director of 4ID Advance Command Post, Philippine Army of this city, said they are very willing to assist the KBP, along with other stakeholders in the tree planting activity. "The 4th Civil Military Operations (Kasaligan) Battalion of 4ID, Philippine Army does not only seek to protect the lives and rights of the people, but also the environment where people lives. With this effort of the KBP, we strongly express our support and participation for this year's Broadcastreeing activity. We have already prepared the planting site within the vicinity of Camp Bancasi," he underscored.

In a meeting with KBP, the said organizers finalized their plans and preparations for the “Broadcastreeing 2016.”

Broadcasters (tv and radio) in Butuan City and Agusan del Norte have expressed their commitment to participate in the tree planting activity. Other partner stakeholders from the government agencies, non-government organizations, civil society organizations and academe are also expected to join.

This year's broadcastreeing in the city is in partnership with the 4th CMO Battalion, Department of Environment and Natural Resources and Philippine Information Agency (PIA) Caraga.

The broadcastreeing is an annual simultaneous and nationwide tree planting activity in support to the government’s National Greening Program (NGP). (4CMO, PA/PIA-Caraga)


Tagalog News: ICT emergency responders sa Caraga region nagtipon-tipon at bumuo ng protocol upang maisaayos ang sistema sa komunikasyon tuwing may kalamidad

Ni Jennifer P. Gaitano

BUTUAN CITY, July 17 (PIA) - Nagtipon-tipon ang mga emergency responders na galing pa sa ibat-ibang probinsya ng Caraga region sa dalawang araw na ginanap na Information and Communications Technology (ICT) Bayanihan - Emergency Telecommunications Cluster Summit dito sa lungsod ng Butuan.

Ang nasabing ICT Bayanihan Summit ay pinanguhanan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ng Caraga kasama ang Smart Communications.

Isa sa mga nilalayon ng nasabing ICT Bayanihan Summit ang pagpapatatag ng epektibong sistema sa komunikasyon, at ng Rapid Emergency Telecommunications Team (RETT) na siyang nangangasiwa sa regional DRRMC operations center at magreresponde tuwing may disaster o kalamidad sa rehiyon.

Ayon kay RDRRMC chairperson at Office of Civil Defense (OCD) Caraga regional director Manuel Luis Ochotorena, mahalaga ang partisipasyon ng mga ICT emergency responders sa ginanap na summit. Isa umano itong whole-of-nation approach sa pamamagitan ng collaborative efforts ng ibat-ibang sektor.

Ipinahayag din niya na makakatulong ang ICT Bayanihan Summit sa pagtukoy ng mga communication equipment at protocols sa operation centers at magkaroon ng inventory ng communication resources na siyang gagamitin sa panahong may emergency o disaster.

Dagdag pa ni director Ochotorena, ang local DRRMCs ay magsasagawa rin ng ganitong summit sa kani-kanilang probinsya ng Caraga region nang mas lalo pang mapatibay ang mga stratehiyang nabuo upang maging maayos at naaayon ang kanilang response operations tuwing may kalamidad o emerhensya.

Samantala, ibinahagi rin ni Nova Concepcion, ang senior manager, community partnership department public relations group ng Smart Communications na lubos silang sumusuporta sa mga aktibidades ng RDRRMC lalung-lalo na sa pagpapalaganap ng epektibong komunikasyon sa pamamagitan ng Information and Communication Technology.

Ang Caraga region ay pang-pito umano sa mga rehiyong nag-initiate ng ICT Bayanihan Summit. Dagdag pa niya, mayroon silang wide range of communication solutions at pre-disaster platforms na nagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon na magagamit rin ng mga responders. (JPG/PIA-Caraga)