PIA Caraga chief denounces killing of Tandag
City radio broadcaster
By Venus L. Garcia
BUTUAN CITY, Dec. 9 (PIA) – Philippine
Information Agency (PIA) Caraga regional director Abner Caga has denounced the
killing of Michael Diaz Milo, a radio broadcaster of Prime Radio FM in Tandag
City on Saturday.
“I totally condemn the slaying of Milo.
Assailants of the crime must be put behind bars. This act of criminality
against mediamen has to be stopped,” said Caga.
Milo, 34, who was shot in a close range hitting
his head, while on board his single motorcycle, was declared dead on arrival at
Adella Serra Ty Memorial Medical Center. The gunman with his companions were
able to escape immediately after the incident.
Caga added that “this kind of occurence is
definitely not an isolated case in media scenario. Several threats were plotted
in the lives of mediamen who have the integrity to assert their stand on
certain issues and concerns, and we need to search for justice for the sake of
their role as effective broadcaster.”
With the on-going investigation conducted by the
Surigao del Sur provincial police office, Communications Secretary Sonny Coloma
has also ordered not to delay the capture of the culprit. He was so concerned
that he emphasized the call to fight and end the hostile trend of media-related
killings.
“The murder was unjustifiable, regardless of the
culprit’s motivation. Mediamen deserve the respect and I expect the result of
the investigation to surface swiftly,” said Coloma.(VLG/PIA-Caraga)
3-day Advance Cardiac Life Support training set
in Bislig City
By Nida Grace P. Barcena
BISLIG CITY, Dec 9 (PIA) – The city government
here through the office of the City Disaster Risk Reduction Management (CDRRM)
is spearheading a 3-day Advance Cardiac Life Support Training on December 9-11,
this city.
According to Yuri Sango of CDRRM office, the
training aims to organize the composition of medical responders and equip them
with knowledge, skills and confidence to perform management to a person whose
breathing and heartbeat suddenly stopped. Lecture and demonstration on
performing foreign airway obstruction management, rescue breathing and CPR will
also be conducted.
Sangco said the medical units from the Southeastern
Mindanao of the Philippines Coast Guard Davao City will facilitate the 3-day
training.
Sango added that around 40 participants from the
city health office medical personnel, staff of the City DRRM office and
disaster volunteer members will join the activity. (NGBT/PIA-Surigao del Sur)
Tagalog News: Palasyo kinondena ang pagpaslang ng brodkaster sa Surigao del Sur
Ni David M. Suyao
AGUSAN DEL SUR, Dis. 9 (PIA) - Kinondena ng Malakanyang ang pagpaslang ng isang brodkaster mula sa Surigao del Sur at sinabing isang task force ng pulisiya ang binuo para hanapin ang mga salarin.
“Kinokondena po namin ang pagpaslang kay Ginoong Michael Milo, isang brodkaster ng Prime Radio FM sa Tandag City, Surigao del Sur,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. sa isang interview sa radio noong Linggo, ang dzRB Radyo ng Bayan.
Sinabi rin ni Coloma na kasalukuyang tinutugis ng mga pulis ng Surigao del Sur ang mga salarin ni Milo at isang espesyal na grupo ang itinatag ng pulisya para sa agarang paglutas ng kaso.
“Napag-utusan na po ng PNP na gawin ang lahat ng nararapat para po matugis, mahuli at mapanagot ang mga pumaslang kay Ginoong Milo,” sabi ni Coloma.
Tinatantiyang tatlong kalalakihang sakay ng motorsiklo ang bumaril kay Milo, ang pinakahuking biktima na media sa nagdaang ilang linggo. Napag-alaman mula sa ulat na sakay ng motorsikolo si Milo ng siya ay barilin ng tatlong naka-angkas ng motorsiklo.
Ang biktima ay agad dinala sa pinakamalapit na hospital pero binawian din ng buhay.
Ang pagpatay kay Milo ay nangyari matapos humigit-kumulang mga dalawang linggo ng ang blocktimer ng dxGT na si Joas Dignos ng Radyo Abante ay binaril sa lunsod ng Valencia, Bukidnon noong Nobyembre 2. (PIA-Agusan del Sur)
Tagalog News: Breastfeeding, ikalawang mensahe
pa rin sa 2012 Nutritional Guidelines for Filipinos (NGF)
Ni Ma. Idelia G. Glorioso
MANILA, Dec. 9 (PIA) - Pamilyar na tayo sa
katagang ”Breast-feed infants exclusively from birth to six months, and then,
give appropriate food while continuing breast-feeding.”
Hindi na bago sa pandinig natin ang katagang ito
dahil ito ang ikalawang mensahe na nakasaad sa 2000 Nutritional Guidelines for
Filipinos (NGF).
Nitong 2012, ang
bagong NGF na ginawa ng Technical Working sa pamumuno ng Food and
Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology (FNRI-DOST)
ay ganoon din ang ikalawang mensahe na
patungkol sa breastfeeding.
Nakasaad sa ikalawang mensahe kung bakit
mahalaga ang breastfeeding: “breastfeed infants exclusively from birth up to 6
months, then give appropriate complementary foods while continuing
breastfeeding for 2 years and beyond for optimum growth and development”.
Mahalaga ang ikalawang mensahe ng 2012 NGF.
Alam naman natin na ang gatas ng ina ang
pinakamasustansyang pagkain para sa mga sanggol.
Taglay nito ang sapat na sustansya na kailangan
ng mga sanggol lalo sa kanyang unang
anim na buwan.
Ang colostrum o ang unang gatas na nakukuha ng
baby sa kanyang ina ay nagtataglay ng mga antibodies na siyang pananggalang ni
baby laban sa impeksyon at iba pang sakit.
Kaya naman masasabi natin na ang isang sanggol
na nakasuso ng colostrum ng kanyang ina ay hindi basta-basta magkakasakit.
Mayroon ding protina at taba ang gatas ng ina na
madaling matunaw kaysa sa taglay na protina at taba ng mga infant formula.
Dahil madaling matunaw ang protina at taba ng
gatas ng ina, madali itong magagamit ng katawan ni baby, maging ang mga
bitamina and mineral na taglay nito.
Pero hindi lang ang tamang nutrisyon para kay baby ang
kahalagahan ng gatas ng ina ngunit mahalaga rin ito para sa mga nanay.
Base sa mga pag-aaral, puwedeng makaiwas sa
breast cancer ang nanay kung nagpapa-breastfeed siya. Bukod dyan, hindi din
kaagad mabubuntis ang nanay.
Malaking tipid din kung nagpapa-breastfeed ang
nanay dahil masyadong mahal ngayon ang mga infant formula.
Mahal din ang mga gamit ni baby gaya ng mga
bote. Bukod diyan, menos-trabaho dahil hindi na kailangang maglinis ng bote.
At higit sa lahat, tiyak ding ligtas and sanggol
dahil hindi na kailangang mag-alala kung mapasuso natin ng panis na gatas ang
sanggol dahil laging sariwa ang gatas ng ina.
Pero higit sa lahat ng mga importansyang ito ng
pagpapasuso ng ina, ang isa pang napakahalagang idinudulot ang
pagpapa-breastfeed, ay ang hindi matatawarang natural bonding sa pagitan ni
mommy at ng kanyang sanggol.
Napakahalaga na sa unang anim na buwan ay
mapasuso ang sanggol ng gatas ina.
Napakaraming benepisyong maibibigay nito, hindi
lang para sa sanggol, kundi pati na rin kay nanay.
Pero dumarating sa punto na hindi na sapat ang
gatas ng ina para maibigay ang lahat ng nutrisyong kailangan ni baby.
Pagkatapos kasi ng unang anim na buwan,
kailangan nang bigyan ng karagdagang pagkain si baby o iyong mga tinatawag na
complementary foods.
Sa ganitong pagkakataon, ang uri ng pagkaing
ibinibigay sa bata ay depende sa kanyang edad.
Tandaan lang na
kahit na kumakain na ng solid foods ang sanggol, ugaliin pa rin na
painumin ng gatas ng ina hanggang
dalawang taong gulang at pataas.
Sa pamamagitan nito ng gatas ng ina at wastong
karagdagan pagkain o complementary foods, makakatiyak tayo na sapat na
sustansya at nutrisyon ang makukuha ng sanggol .
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa
pagkain at nutrisyon, makipag-ugnayan kay Dr. Mario V. Capanzana, Food and Nutrition Research Institute-DOST,
Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel. No. 837-29-34 or 837-20-71 loc. 2287,
FNRI-DOST, email: mvc@fnri.dost.gov.ph;
website:http//www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S & T Media
Service/PIA-Caraga)
Tagalog News: Kalinisan sa pagkain, mahalaga
Ni Ma. Idelia
G. Glorioso
MANILA, Dec. 9 (PIA) - Kaligtasan ng ating
pamilya ang pangunahing tinitingnan at binibigyan natin ng pansin. Isang aspeto
ng kaligtasan ay nagsisimula sa malinis na pagkain na ating ihahain sa mesa.
Kailangan nating matiyak na walang halong
anumang mikrobyo o dumi o iyong mga tinatawag na contaminants ang pagkain sa
ating mesa para tayo makaiwas sa anumang sakit na puwedeng idulot nito.
Siguraduhin din na walang sakit ang taong
nagsisilbi ng pagkain dahil puwede niyang mailipat ang kanyang sakit o virus sa
pagkain na siya namang magbibigay ng sakit sa makakakain nito.
Karaniwan sa mga sakit na makukuha mula sa mga
marurumi o kontaminadong pagkain ay ang malubhang pagtatae sa bata na sanhi ng
mga virus o mikrobyo; disenterya (bacillary); typhoid fever; pagkalason sa
pagkain na dulot ng mikrobyo; disenterya (amoebic) na dulot ng parasito;
hepatitis na dulot ng virus.
Ang pagkain ay maaaring magdala rin ng impeksyon
na sanhi ng parasito.
Halimbawa ng parasito ay ang pangkaraniwang mga
bulate (ascaris at trichuris) na maaaring makuha sa pagkain ng mga hilaw na
gulay (tulad sa salad) na nakatanim sa lupa na ang pataba ay dumi ng tao o
hayop.
Ang mga pagkain ay maaaring may mga sangkap na
nakalalason tulad ng mga metal na mercury at lead, mga mycotoxin at
pamatay-insekto, gayundin ng mga additive o panimpla tulad ng nitrite at ilang
mga pangkulay o food color sa pagkain.
Mahalaga na matiyak natin na malinis ang ating
pagkain dahil puwede itong pagmulan ng iba’t ibang uri ng sakit.
Pero paano nga ba mapapanatiling malinis at
ligtas ang ating pagkain mula sa anumang uri ng mikrobyo?
Ang ating pagkain ay mapapanatili nating malinis
sa pamamagitan ng ilang mga hakbang:
·
Pamalagiing tuyo at malinis ang kusina upang hindi mamahay dito ang mga langaw, ipis at
daga.
·
Huwag pahahawakin ng pagkain ang sinuman tao na may impeksyon sa balat o
may nakahahawang sakit. Mayroon din namang malusog na tao na maaaring magdala
ng mikrobyong nagdudulot ng sakit kaya dapat nitong iwasan ang pag-ubo o
pagbahin sa harap ng pagkain.
·
Magsabon at maghugas ng kamay bago maghanda ng pagkain ng pagkain, bago
kumain, at pagkagaling sa palikuran.
·
Ugaliin ang pagiging laging malinis sa pananamit lalo na kung maghahanda
ng pagkain.
·
Gumamit lamang ng malinis na tubig sa paghuhugas at pagluluto ng pagkain
at sa inumin. Kung hindi tiyak sa kalinisan ng
tubig, pakuluan muna ito maigi.
·
Hugasang mabuti ang mga prutas at gulay. Ang mga gulay na kakainin nang
hilaw, laluna ang mga gulay na mababa ang tanim, ay maaaring ibabad sa malabnaw
na solusyon ng chlorine (halimbawa’y chlorox).
·
Huwag gagamitin ang mga kamay sa paghahalo ng pagkain, ilayo ang mga
kamay sa bibig, ilong at buhok habang naghahanda ng pagkain.
·
Hugasang mabuti ang mga gamit sa kusina, sangkalan o counter top na
ginagamit sa hilaw na karne, isda at manok.
·
Lutuing mabuti ang karne, isda at manok. Iwasan ang pagkain ng hilaw o
di gaanong lutong baboy at isda laluna ang tahong, talaba at kauring
lamang-dagat.
·
Ugaliin ang paggamit ng kutsara sa pagtikim ng niluluto. Hugasang mabuti
bago gamitin muli.
· Ilagay
sa refrigerator nag tirang pagkain at painiting mabuti bago ihain. Kung walang
refrigerator, magluto lamang ng sapat na pagkain para sa isang hainan upang
walang matira.
·
Kung hindi nakatitiyak na ligtas ang isang pagkain (halimbawa’y pagkaing
may ibang amoy, pagkain na tumatagas o nakaumbok na lata, inaamag na pagkain o
pagkaing may ibang kulay) itapon na ito.
·
Tandaan, ang maayos na pagtatapon ng dumi at basura at ang malinis na
kapaligiran ay nakatutulong upang mabawasan ang mga nagpaparumi sa ating
pagkain.
Base sa 2012 Nutritional Guidelines for
Filipinos (NGF) na ginawa ng Technical Working Group sa pamumuno ng Food and
Nutrition Research Institute-Department of Science and Technology (FNRI-DOST),
tandaan lamang ang ika-siyam na mensahe: “Consume safe foods and water to
prevent diarrhea and other food and water-borne diseases”.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa
pagkain at nutrisyon, makipag-ugnayan kay Dr. Mario V. Capanzana, Food and Nutrition Research Institute-DOST,
Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel. No. 837-29-34 or 837-20-71 loc. 2287,
FNRI-DOST, email: mvc@fnri.dost.gov.ph; website:http//www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST
S & T Media Service/PIA-Caraga)
Tagalog News: Galunggong, sardinas paborito ng
mga Pinoy
Ni Josefina T. Gonzales
MANILA, Dec. 9 (PIA) - Alam ba ninyo na ang
pinaka-popular na isda na kadalasang kinakain ng mga Pinoy ay galunggong at
sardinas? Ito ay ayon sa 7th National Nutrition Survey na isinagawa ng Food and
Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (o
FNRI-DOST). Ang galunggong at sardinas ay parehong mayaman sa calcium at
phosphorous. Mayaman din ito sa omega 3 fatty acids.
Ang kalsyum ay
kailangan ng ating katawan para sa matibay na buto at ngipin. Ang
kakulangan nito ay sanhi ng pagka - bansot sa paglaki, marupok na buto at
ngipin, matagal na paghilom ng sugat, irregular na tibok ng puso at mahinang
mga kalamnan. Ang omega 3 fatty acid naman ay sinasabing nakatutulong sa pag
iwas sa mga sakit sa puso at ugat pati na sa ibang uri ng kanser. Masusing
pag-aaral pa ang kailangan upang tuluyang mapatunayan ang mga ito, pero ang
tiyak ay mas mabuti sa kalusugan ang isda kaysa sa karne.
Ugaliing kumain at maghain sa pamilya ng mga
isda para sa ating pangangailangan sa kalsyum at omega 3 fatty acid.
Ang impormasyong ito ay hatid sa inyo ng FNRI-DOST, ang pangunahing ahensya ng gobyerno sa
pananaliksik sa pagkain at nutrisyon. Para sa karagdagang impormasyon at
kaalaman sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana,
Direktor, FNRI-DOST sa kanyang email address:mvc@fnri.dost.gov.ph,
mar_v_c@yahoo.com o sa telepono bilang 8372934-8373164. Maari ding bisitahin
ang FNRI-DOST website: http://fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S & T Media
Service/PIA-Caraga)
Cebuano News: P3.6M nga gamit pang-uma maangkon
sa mga mag-uuma sa Agusan del Norte
Ni Jay Vincent V. Demain
AGUSAN DEL NORTE, Dis. 9 (PIA) - Mokabat P3.6
milyones ka pesos nga kantidad sa pag–uumang pasilidad ang gitakdang maangkon
sa grupo sa mga mag-uuma ning probinsya.
Kini ang unod sa usa ka Tripartite Memoramdum of
Agreement nga gitakda nang pirmahan tali sa probinsya sa Agusan del Norte,
Department of Agriculture (DA) rehiyong Caraga ug Seed Producers Marketing
Cooperative (SPMC) pinaagi sa Sangguanian Resolution No. 094-2013 sa
pagpangamahan ni Provincial Board Member Antidio B. Amora.
Kini nga programa sa DA gihinganlan og “On-Farm
Mechanization Program: Provision of Farm Mechanization Program: Provision of
Farm Mechanization Facilities and Equipment to Farmers Association,” nagtumong
sa pagtabang sa gagmay nga mga mag-uuma pinaagi sa paghatag kanila og modernong
mga pasilidad sa pagpanguma aron masiguro ang dakong ani.
Ang SPMC nga maoy beneficiary sa programa, matod
pa, usa ka accredited provincewide farmers organization ning probinsya nga ubos
sa technical supervision sa buhatan sa Provincial Agriculturist.
Basi sa kasabotan, ang P3.6 milyones ka pesos
nga gikan sa ahensya sa DA ipalit og on-farm mechanization facilities nga
magamit sa mga mag-uuma sama sa floating tiller, bag closer, rice sees cleaner,
ug rice transplanter ug pundo usab alang sa community seed bank (warehouse).
Aduna sa matod pay 200 square meters nga luna ang giandam sa SPMC alang sa seed
bank.
Usa sa mga agenda sa panggamhanang probinsyal
ubos sa liderato ni Gobernador Angel Amante Matba ang paghatag og pre ug post
harvest facilities sa mga mag-uuma ning probinsya aron molambo pa ang ilang
panginabuhian. (LGU-Agusan del Norte/PIA-Agusan del Norte)
Cebuano News: Mga piniling opisyal sa barangay
nanumpa atubangan ni Gob. Matba
Ni Ronie P. Gerona
AGUSAN DEL NORTE, Dis. 9 (PIA) - Nanumpa
atubangan ni Gobernador Ma. Angelica Rosedell Amante-Matba ang mga piniling
opisyal sa barangay sa nagkalain-laing lungsod ning probinsya.
Kahinumduman, niadtong Nobyembre 23 nanumpa
atubangan ni Gob. Angel ang 17 ka mga kapitan ug dol-an 100 ka mga kagawad sa
lungsod sa Buenavista. Gisundan dayon kini sa lungsod sa Nasipit niadtong
Nobyembre 25, 2013. Niadtong petsa 27 sa susamang bulan nanumpa atubangan ni
Gob. Matba ang mga piniling opisyal sa barangay sa lungsod sa Las Nieves ug
niadtong Nobyembre 30, 2013 ang mga piniling barangay opisyal sa lungsod sa
R.T.R. ug Carmen mihurar atubangan sa gobernador.
“Kini dako ninyong challenge nga unta inyong
ihatag ang tinuod nga unta iinyong ihatag ang tinuod nga pagpanerbisyo sa mga
katawhan. Adtong angat pa ang piniliay sayo sa buntag manaka na kamo sa mga balay
aron muhangyo sa ilang mga buto, og karon kay napili naman mo hinaot nga abri
pirmi ang inyong panimalay pagtabang sa mga katawhan kay atong pagpanerbisyo
isip mga piniling opisyal 24/7 buot sabton walay oras nga kita modumili sa mga
katawhan,” ang pagsabot ni Gobernador Matba sa mga piniling opisyal. (LGU-Agusan
del Norte/PIA-Agusan del Norte)