NCCA to discuss project proposals with local
media in Butuan
By Jennifer P. Gaitano
BUTUAN CITY, Aug. 6 (PIA) -- The National
Commission for Culture and the Arts (NCCA) will meet local media in Caraga on
August 8 to discuss project proposals for the 2014 NCCA Grants Program.
The NCCA, headed by Felipe de Leon Jr., is
encouraging cultural and art groups, academic institutions, local arts
organizations, non-government organizations involved in culture and arts, and
others to submit project proposals, and deadline is on August 30.
NCCA Public Affairs and Information Office
(PAIO) head Rene Sanchez Napenas, said that projects to be funded by the NCCA
must capture the aspiration of the arts and culture community, expressed by NCCA’s
vision in the 21st century: “Filipino culture as the wellspring of national and
global well being.”
“Projects must establish culture as pillar of
sustainable development, advance creativity and diversity of artistic
expression, and promote a strong sense of nationhood and pride in being
Filipino through culture and arts,” said Napenas.
It was also learned that through the National
Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA), the NCCA Grants Program
provides support to individuals and organizations in fields that are aligned
with the Philippine culture and arts and in accordance with the defined
priorities of each of the national committees. It also provides funds for
projects for the promotion, development and conservation of Philippine culture
and arts, and it continuously encourage collaborative efforts which provides
significant contributions to the realization of the mandate of the NCCA.
Interested individuals or groups can avail of
NCCA assistance by submitting a project proposal under the NCCA Competitive
Grants, or file a request under the Institutional Programs, namely, NCCA
Outreach Program, Resource Person’s Bureau and Technical Assistance Program.
For more information, the NCCA can be reached at
telephone numbers: (632) 527-2192 or 0928-5081057; or log on to www.ncca.gov.ph
or email at ncca.paio@gmail.com. (JPG/PIA-Caraga)
Surigao Sur Gawad Kalasag winners bared
By Nida Grace B. Tranquilan
SURIGAO DEL SUR, Aug. 6 (PIA) -- The
municipality of Hinatuan was adjudged winner for the 3rd-5th class municipal
category, while Barangay San Juan in Hinatuan won this year’s regional awarding
in the prestigious 2013 Gawad “Kalamidad at Sakuna Labanan, Sariling Galing ang
Kaligtasan” (Kalasag) regional search for excellence in Disaster Risk
Management (DRM).
PDRRMO Disaster Program Specialist Abel de
Guzman said the province of Surigao del Sur was also awarded third place of the
five provinces in Caraga. The awarding ceremony was held in Butuan City last
week.
According to De Guzman, the recognition was
based on the 2012 performance accomplishments of the local government unit
report on disaster prevention and mitigation; disaster preparedness; disaster
response and; disaster rehabilitation and recovery.
The executive summary and other supporting
documents were also included as means of verification during the validation
conducted on the month of May this year with the team evaluators, de Guzma
added.
The “Gawad Kalasag” award is a recognition
scheme in its search for excellence on DRM and humanitarian assistance.
(FEA/NGBT/PIA-Surigao del Sur)
Surigao City to initiate registration of local
fisherfolks
By Annette Villaces
SURIGAO CITY, Aug. 6 (PIA) -- The City
Agriculture Office will initiate the registration of legitimate local fishermen
in Surigao City and Surigao del Norte.
Asst. City Agriculturist Cielo Cotiangco said
the mass registration is in coordination with the Bureau of Fisheries and
Aquatic Resources (BFAR) Regional Field Unit 13 through the directive of city
mayor Ernesto Matugas.
Mayor Matugas issued the directive to the office
of the City Agriculture to address the problem of illegal fishing and fish
shortage.
Under the directive, only local and registered
fishermen will be allowed to fish out inside the seawater of Surigao City and
Surigao del Norte to avoid importation and exportation of fish.
With this, the City Agriculture Office and BFAR
urged all Surigaonon Fisherman to register and become a legitimate fisherfolks
so that they can avail the projects and programs of the City Agriculture and
BFAR. (SDR/CMO/PIA-Surigao del Norte)
Lathalain: Dalawang basong gatas araw-araw,
epektibo kontra malnutrisyon
Ni Celina Ann Z. Javier
Ang gatas ay kilalang mayaman sa calcium,
protina, bitamina A, riboflavin o B2 at cobalamin o B12.
Importante ang pag-inom ng gatas di lamang sa mga
sanggol at bata ngunit pati na rin sa matatanda.
Habang lumalaki ang mga bata ay nababawasan ang
pag-inom ng gatas dahil natututo silang uminom ng juice, softdrinks at iba pang
inumin. At pag naglaon ay maaring hindi na sila umiinom ng gatas.
Sa mga batang anim hanggang 12 taong gulang, ang
gatas ay hindi popular na inumin.
Pinatunayan ito ng 2008 National Nutrition
Survey (NNS) na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute ng
Department of Science and Technology (FNRI-DOST), na nagsasabi na 3 porsiyento
lamang ang gatas sa kabuuang kinakain ng mga batang edad anim hanggang 12 taong
gulang.
Ang FNRI-DOST ay gumawa ng pag-aaral upang
malaman ang epekto ng pag-inom ng gatas na fortified o dinagdagan ng iron,
zinc, bitamina A at bitamina C sa lebel ng hemoglobin, zinc, bitamina A at C sa
dugo ng mga bata, gayon na din sa taas at timbang nila. Ang mga pag-aaral na
ito ay pinangunahan nina Dr. Imelda Angeles-Agdeppa at Dr. Trinindad P.
Trinidad.
Tinatayang 141 na mga bata ang sumali sa pag-aaral
at sila ay nasa edad anim na taong gulang.
Sa loob ng 120 na araw ay pinainom ang isang
grupo ng mga bata ng dalawang basong gatas. Ang pangalawang grupo ay binigyan
ng isang basong gatas at ang ikatlong grupo ng isang basong tubig.
Base sa resulta ng pag-aaral, ang pag-inom ng
gatas ay nagpataas ng lebel ng zinc sa dugo ng mga batang uminom ng gatas.
Lahat ng grupo ng mga bata ay nagkaroon rin ng
pagtaas sa bitamina C at hemoglobin sa dugo.
Nagkaroon din ng pagtaas sa bitamina A para sa
lahat ng grupo ngunit hindi ganoon kalaki ang epekto nito.
Ang pagtaas ng bitamina C at A at hemoglobin sa
dugo maging sa mga batang hindi uminom ng gatas ay maaring dala ng iba pang
kinakain nila na hindi sinuri sa pag-aaral.
Samantala, tumangkad at bumigat din ang mga bata
na uminom ng gatas.
Napag-alaman din na ang mga batang uminom ng
dalawang baso ng gatas araw-araw ay mas tumangkad, bumigat at mas tumaas ang
zinc sa katawan at hemoglobin sa dugo kaysa sa mga batang uminom lamang ng
isang basong gatas.
Dahil sa mga resulta ng pag-aaral na ito,
inirerekomenda ang pag-inom ng dalawang baso ng gatas araw-araw.
Ang pagdaragdag ng mga sustansya o pag-fortify
sa gatas ay mabisang paraan din upang masagutan ang kakulangan sa nutrisyon ng
mga bata.
Para sa karagdagan impormasyon tungkol sa
pagkain o nutrisyon sumulat o tumwag kay: Dr. Mario V. Capanzana, Director,
Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology,
General Santos Avenue, Bicutan, Taguig City. E-mail: mcv@fnri.dost.gov.ph,
Telefax: 837-2934 at 827-3164, 837-2071 local 2296 o bisitahin ang aming
website: http://www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S & T Media
Service/PIA-Caraga)
Lathalain: Regular na pagkain ng gulay, may
dagdag na benepisyong taglay
Ni Divorah V. Aguila
Ano ba ang gulay? Ang gulay ay tanim o bahagi ng
tanim tulad ng ugat, tangkay, talbos, dahon, bunga, o bulaklak na kalimitang
inihahain bilang ulam o ensalada. Mayroong dalawang grupo ng gulay: ang
madahong berde at dilaw na gulay, at ang iba pang gulay. Malalaman sa kulay at
bahagi ng tanim na kinakain ang kahalagahang pangnutrisyon ng gulay.
Ang mga madahong berde at dilaw na gulay ay
sagana sa beta-carotene na nagiging bitamina A sa katawan. Tumutulong ito sa
ating mga mata na maka-adjust sa gabi o sa dilim. Ito rin ay kailangan sa
paglaki ng mga bata. Tumutulong din ang bitamina A para mapanatiling malakas
ang ating resistensya laban sa sakit at impeksyon. Mainam din ito sa pagiging
malusog at makinis ng ating kutis at buhok. Ang beta-carotene na taglay ng mga
gulay ay napatunayang may kaugnayan sa pagbaba ng panganib o risk sa ilang uri
ng kanser. Mas higit na maraming taglay na beta-carotene kung matingkad ang
pagka-berde o dilaw ng gulay.
Ang madahong berde at dilaw na gulay ay mayaman
din sa iron o yero at calcium. Ang iron ay kailangan para sa malusog at
mapulang dugo na tumutulong sa kasiglahan ng katawan. Ilan sa mga madahong
berde at dilaw na gulay ay ang dahon ng malunggay, dahon ng ampalaya, karot,
talbos ng kamote, saluyot, dahon at bunga ng kalabasa, sili, alugbati at talbos
ng sayote.
Ang pangalawang grupo ng gulay ay ‘yung iba pang
gulay na tumutulong naman sa mahusay na panunaw. Nagtataglay din ito ng mga
bitamina at mineral bagama’t hindi kasing sagana sa sustansiyang taglay ng
berde at madahong gulay. Ilan sa mga gulay na ito ay ang ampalaya, puso ng
saging, bataw, kadyos, bunga ng malunggay, okra, paayap, sigadilyas at sitaw.
Ang mga gulay ay nagtataglay din ng fiber (o
hibla) na siyang tumutulong linisin ang ating bituka, para sa regular na
pagdumi. Tumutulong din ang fiber sa pagpapababa ng kolesterol. Mas nakabubusog
din ang mga pagkaing mayaman sa fiber, kaya nga kahit marami ang kainin nating
prutas at gulay, hindi ito mabilis makadagdag sa ating timbang.
Ang karot, katuray, dahon ng gabi, dahon ng
malunggay, dahon ng siling labuyo, at dahon ng upo ay mayaman sa beta-carotene.
Kung bitamina C naman ang pag-uusapan, mataas dito ang katuray, dahon ng
kamoteng kahoy, talbos ng sayote, dahon ng kulitis at mustasa. Mayaman naman sa
calcium ang dahon ng kulitis, buto ng utaw (o soybean), dahon ng katuray,
saluyot, at mustasa. Ang mga gulay tulad ng dahon ng kulitis, dahon ng talinum,
katuray, buto ng utaw at abitsuwelas ay ilan lamang sa mga gulay na mataas ang
taglay na iron o yero.
Bukod sa mga sustansiyang taglay ng gulay,
marami pang benepisyong pangkalusugan ang dinudulot ng mga ito. Halimbawa ay
ang gamit nito bilang halamang gamot o herbal medicine.
Katulad ng ampalaya, kalimitang ginagamit ang
mga dahon nito para sa ubo ng mga bata. Kalimitan din itong ginagamit na
panggamot o panglanggas sa mga sakit sa balat. At di lang ‘yon, ginagamit din
ang ampalaya bilang pampurga.
Isa pang gulay na may gamit bilang halamang
gamot ay ang karot. Ito ay nagtataglay ng carotenoids na sinasabing nakakababa
ng posibilidad sa pagkakaroon ng kanser at sakit sa puso at mga ugat. Ang
beta-carotene na taglay nito ay nakabubuti para sa ating paningin at iwinawasto
nito ang pamamaga ng mucous membrane sa loob ng ating ilong.
Ang isa pang gulay na madalas kasama sa ating
hapag kainan ay ang kamatis. Ang kamatis ay nagtataglay ng phytochemicals tulad
ng lycopene na ayon sa mga pag-aaral ay tumutulong sa pag-iwas sa kanser.
Ang isa pang gulay na halos kasama sa
pang-araw-araw na pagkain ng bawat Pilipino ay ang sili. Ang sili ay
nagtataglay ng bitamina A, C at E, folic acid at potassium. Ang sili ay
maaaring makatulong sa pagpapababa ng blood pressure at sa pag-iwas din sa
ilang uri ng kanser.
Ang ilan pa sa ating mga gulay na may
benepisyong pangkalusugan ay ang kalabasa, gabi, labanos, at malunggay. Ang mga
gulay na ito ay sinasabing laxative o yung tumutulong upang maging maayos ang
pagdumi.
Ngayon at alam na natin ang iba’t ibang
benepisyong taglay ng gulay, halina’t magplano ng samu’t saring lutuing gulay
para mapakinabangan natin ang mga benepisyong nabanggit.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa
pagkain at nutrisyon, lumiham o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Director,
Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel.
No. 837 2934 or 837 2071 loc. 2287, email: mvc@fnri.dost.gov.ph, website:
http://www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S & T Media Service/PIA-Caraga)
Lathalain: Konsumo ng prutas, gulay at
lamang-ugat bumaba
Ni Divorah V. Aguila
Maraming Pilipino ang hindi kumakain ng tamang
dami ng gulay, prutas at lamang-ugat.
Ito ay ayon sa isinagawang survey ng Food and
Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology
(FNRI-DOST) noong 2008, kung saan napag-alaman na hindi masyadong kumakain ng
prutas at gulay ang mga Pilipino. Nakita din sa survey na bumababa ang dami ng
prutas at gulay na kinakain ng mga Pilipino simula pa noong 1970s.
Kaya naman ipinapayo at itinataguyod ng mga
dalubhasa sa nutrisyon at kalusugan ang pagkain ng maraming gulay, prutas at
lamang-ugat upang mapunuan ang mga kakulangan sa micronutrients. Ang
lamang-ugat ay dapat ding kainin dahil nakadaragdag ang mga ito ng enerhiya o
lakas sa ating katawan at fiber para sa regular na pagdumi.
Ano ba ang kahalagahan ng regular na pagkain ng
gulay? Ang mga green leafy at yellow vegetables o berde, dilaw at madahong
gulay ay mayaman sa beta-carotene na nagiging bitamina A sa katawan. Ang sariwa
at katamtamang luto ng mga berdeng madahong gulay ay pinanggagalingan ng
vitamin C, iron, calcium, dietary fiber, folic acid, vitamin E at ilang
phytochemicals na napatunayang tumutulong laban sa kanser at ibang sakit.
Yun namang ‘‘di madahong gulay” tulad ng okra,
sayote, upo, at ampalaya ay nakadaragdag ng dietary fiber, iron at B-complex
vitamins.
Ang pagkain ng gulay ay nakatutulong sa pag-iwas
sa vitamin A deficiency disorders o VADD, na isa sa mga laganap na uri ng
malnutrisyon sa Pilipinas. Dahil sa VADD, bumababa ang resistensya laban sa
impeksyon na nagbubunga ng madalas at malalang pagkakasakit. Bumabagal din ang
paglaki ng mga bata.
Ang unang palatandaan ng VADD ay ang
nightblindness o kahirapang makakita sa gabi. At kung matindi ang kakulangan sa
bitamina A, maaaring magkaroon ng lesion o sugat sa mata na tawag ay
xerophthalmia na posibleng tumuloy sa pagkabulag. Pero huwag kayong mag-alala,
ang mga ito ay maaaring maiwasan.
Katulad ng gulay, mahalaga ang prutas sa ating
diet dahil mayaman ang mga ito sa vitamin C, lalo na ang bayabas, mangga at
papaya. Nakatutulong ang vitamin C upang maiwasan ang scurvy o pagdurugo o
pamamaga ng mga gilagid at upang tumibay ang ating resistensiya laban sa
impeksyon.
Nagtataglay naman ng beta-carotene ang madilaw
na prutas. Mayaman sa bitamina at mineral ang saging, melon, at pinya. Meron
ding dietary fiber ang mga prutas upang makatulong sa regular na pagdumi.
Kadalasan, ang lamang-ugat ay hindi kasama sa
diet ng mga Pilipino, maliban sa mga lugar na ito talaga ang karaniwang
kinakain o ang staple food. Ang pagkain ng lamang-ugat gaya ng patatas, gabi at
kamote ay nakapag-dudulot ng enerhiya sa katawan. Nagdudulot din ito ng dietary
fiber at vitamins. Ang dilaw na kamote ay nakapagbibigay ng beta-carotene
habang ang patatas naman ay mapagkukunan ng vitamin C. Dapat na kumain ng
lamang-ugat kahit mga tatlong beses sa isang linggo.
Kaya isama natin sa ating listahan ng bibilhin
ang mga ito. Tandaan, ang pagkain ng iba’t ibang uri ng pagkain araw-araw,
kabilang ang prutas, gulay at lamang-ugat ang pinakamahalagang gabay para sa
ating kalusugan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa
pagkain at nutrisyon, lumiham o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Director,
Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel.
No. 837 2934 or 837 2071 loc. 2287, email: mvc@fnri.dost.gov.ph, website:
http://www.fnri.dost.gov.ph. (FNRI-DOST S & T Media Service/PIA-Caraga)
Lathalain: Galunggong, sardinas paborito ng mga
Pinoy
Ni Josefina T. Gonzales
Alam ba ninyo na ang pinaka-popular na isda na
kadalasang kinakain ng mga Pinoy ay galunggong at sardinas? Ito ay ayon sa 7th
National Nutrition Survey na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute
ng Department of Science and Technology (o FNRI-DOST). Ang galunggong at
sardinas ay parehong mayaman sa calcium at phosphorous. Mayaman din ito sa
omega 3 fatty acids.
Ang calcium ay kailangan ng ating katawan para
sa matibay na buto at ngipin. Ang kakulangan nito ay sanhi ng pagka - bansot sa
paglaki, marupok na buto at ngipin, matagal na paghilom ng sugat, irregular na
tibok ng puso at mahinang mga kalamnan. Ang omega 3 fatty acid naman ay
sinasabing nakatutulong sa pag iwas sa mga sakit sa puso at ugat pati na sa
ibang uri ng kanser. Masusing pag-aaral pa ang kailangan upang tuluyang
mapatunayan ang mga ito, pero ang tiyak ay mas mabuti sa kalusugan ang isda
kaysa sa karne.
Ugaliing kumain at maghain sa pamilya ng mga
isda para sa ating pangangailangan ng calcium at omega 3 fatty acid.
Ang impormasyong ito ay hatid sa inyo ng
FNRI-DOST, ang pangunahing ahensya ng pamahalaan sa pananaliksik sa pagkain at
nutrisyon. Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon,
sumulat o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, direktor, FNRI-DOST sa kanyang
email address: mvc@fnri.dost.gov.ph, mar_v_c@yahoo.com o sa telepono bilang
8372934-8373164. Maari ding bisitahin ang FNRI-DOST website:
http://fnri.dost.gov.ph (FNRI-DOST S & T Media Service/PIA-Caraga)
Cebuano news: Sec. Roxas gitahasan ni Presidente
Aquino aron ipatuman ang relokasyon sa mga informal settlers
SURIGAO CITY, Agosto 6 (PIA) -- Gimandoan ni
Presidente Benigno S. Aquino III si DILG Sec. Manuel Roxas nga ipatuman gilayon
ang relokasyon sa pamilya sa mga iskwater nga nagpuyo sa delikadong mga lugar
ngadto sa mas desente ug dili delikadong lugar, matud sa opisyales sa Palasyo
kagahapon.
Sumala ni Presidential Spokesperson Edwin
Lacierda si Presidente mipagawas sa maong direktiba ubos sa birtud sa
Memorandum Order No. 57 pinirmahan ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr.
niadtong Agosto 2 karong tuiga.
Ubos sa R. A No. 7279 o ang Urban Development
Housing of 1992 (UDHA), ang local government units (LGUs) uban ang koordinasyon
sa National Housing Authority (NHA) maoy mopatuman sa relokasyon ug pagpabalhin
sa mga tawo nga nagpuyo sa delikadong mga lugar sama sa esteros, dapit sa mga
riles sa tren, dumpinganan sa mga basura, mga suba, kilid sa dagat, kana lug
uban pa nga pangpubliko nga mga lugar.
Aron nga mapatuman gyud kining maong direktiba,
ang DILG kinahanglan adunay koordinasyon sa LGUs, sa Presidential Commission
for the Urban Poor, NHA, ug uban pang mga hintungdang ahensya sa gobyerno.
(AMC/FEA/PIA-Surigao del Norte)