Tagalog news: Comelec hinikayat ang mga
opisyales ng mga paaralan na ihanda ang mga silid-aralan para sa halalan sa
Mayo 13
Ni Hyazel Rose Ampo
LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 8 (PIA) -- Hinikayat ni
City Election Officer Atty. Ernie F. Palanan ang mga opisyales ng mga paaralan
sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Department of Education (DepEd) na ihanda
ang mga silid-aralan na gagamitin bilang polling precincts sa darating na
midterm election ngayong Mayo 13.
Sa kaniyang programa sa radio na pinamagatang,
“City Comelec Office Hour” na mapapakinggan sa 107.8 Power FM ng Philippine
Information Agency (PIA) Caraga, sinabi ni Palanan na ang kanilang tanggapan ay
nakakatanggap pa rin ng mga ulat ukol sa mga eskwelahan sa lungsod na hindi pa
naihanda sa isasagawang eleksyon.
Kasabay nito, hinikayat din ni Palanan ang mga
school officials na magtalaga ng "Action Center" sa loob ng
nasasakupang eskwelahan para sa pagsisiyasat sa proseso ng eleksyon.
Ilan sa mga personalidad na maglalagi sa action
center ay ang media, kasapi ng National Movement for Free Elections (NAMFREL)
at Parish Pastoral Council (PPCRV).
Dagdag pa ni Palanan, kinakailangang magtalaga
ng tao sa nasabing kampo upang magbigay ng mga kinakailangang impormasyon ang
mga boboto ukol sa iba't ibang tanggapan. Ito ay upang siguraduhin ang
pagkakaroon ng matiwasay na proseso ngayong halalan.
Inabisuhan din ni Atty. Palanan ang mga Board of
Election Inspectors (BEI) na pumunta sa kani-kanilang nakatalagang voting
precinct, isang araw bago ang halalan para sa mga kinakailangan paghanda at
para na rin sa pagbabantay ng PCOS Machine.
Hinikayat din ng opisyal ang publiko na bumisita
sa tanggapan ng Comelec upang alamin ang kanilang mga destinong presinto at
number sequence nito.
Sinabi rin ng city election officer na dumulog
sa action center na itatalaga sa mga eskwelahan kung hindi makabisita sa
opisina ng Comelec at di alam ang kanilang mga number sequence.
Kasabay nito, pinaalalahanan din ni Palanan ang
mga taong may kapansanan, lactating mothers at senior citizens na dalhin ang
kanilang mga dokumentong magpapatunay na sila’y senior citizen o nagpapasuso ng
bata upang sila’y mabigyan ng oportunidad na makaboto kaagad-agad.
Pinaalalahanan din ni Palanan ang mga opisyales
ng mga barangay, kandidato at mga taga–suporta nito na lumayo agad pagkatapos
makaboto ang mga ito sa voting precint upang hindi makadistorbo sa
isinasagawang pagboboto.
Binalaan din ni Atty. Palanan ang mga poll
watchers na huwag mangampanya o mamigay ng mga pulyeto sa mga sinuportahan
nitong mga kandidato sa kasagsagan ng eleksyon. (RER/PIA-Caraga)
Tagalog news: PNP magtatalaga ng 30 libong
tauhan para sa darating na Mayo 13 eleksyon
Ni David M. Suyao
AGUSAN DEL SUR, Mayo 8 (PIA) -- Itatalaga ng
Philippine National Police (PNP) ang 50 porsyento o 21,885 na pulis, maging ang
mga nagtatrabaho bilang administratibo at ang mga nagsasanay pa lamang, upang
punan ang kanilang hanay na ilalagay sa mga lansangan bilang bahagi ng kanilang
"maximum deployment" ng mga unipormadong tauhan na magseserbisyo para
sa nakatakdang halalan sa darating na Mayo 13, 2013.
Kamakailan, inanunsyo ni Interior and Local
Government Secretary Mar Roxas ang paglulunsad ng OPLAN “Huling Dalawang
Linggo” na nangangailangan ng buong administratibo at operational na gawain ng
PNP upang palawakin pa ang pagbibigay seguridad bago, habang at pagkatapos ng
araw ng halalan.
Kasama na sa pagpapatupad ng maximum deployment
ang pagpalakas ng PNP Reactionary Support Force (PNP-RSSF) na may kabuuang
1,230 unipormadong tauhan mula sa Directorial Staff (D-Staff), 2,689 National
Support Units (NSUs) at 6,273 Regional Headquarters (RHQs) tauhan na
nagtatrabaho bilang administratibo.
Gayunpaman, 718 unipormadong tauhan ay
kasalukuyang nagsasanay sa Philippine Public Safety College (PPSC), 1,046 mula
sa Philippine National College (NPC), 9549 mula sa Police National Training
Institute (PNTI) at 143 mula sa PNP Intelligence Training (ITG) na sa
kasalukuyan ay nag-aaral at ang 237 na bagong nagtapos nitong 2013 sa
Philippine National Police Academy (PNPA) ay kasali rin sa idinagdag na pwersa
ng pulisya para magbantay sa eleksyon.
Sinabi ni PNP Director General Alan Purisima na
ang pagtatalaga ng mga tauhan mula sa Special Action Force (SAF) bilang
dalubhasang yunit ng PNP, ay base sa kanilang plano at pakikipag-ugnayan sa PNP
Directorate for Operations (DO). Dagdag pa rito, dahil sila ay Specialized
Reactionary Support Force, ang mga tauhan ng SAF ay pakikilusin ayon sa
kasunduan sa pagitan ng DO, kasama ang SAF Director.
Pakikilusin ng PNP ang lahat ng kanilang
unipormadong tauhan na ang gawain ay pang administratibo upang mapunan ang
bilang nga mga tauhan ng pulis na nasa lansangan lalo na sa 15 na kinilalang
election hotspot simjula sa Mayo 8 hanggang Mayo 16, 2013.
Ang pagtatalaga ng 50 porsyentong unipormadong
pulis na ang gawain ay pang administratibo ay ilalagay sa mga estasyon ng
pulisiya sa iba't ibang bayan at lungsod sa buong bansa bilang dagdag na tauhan
sa pagpapatrolya, sa checkpoints at gawaing pangontra sa krimen.
Sinabi ng PNP Director for Personnel and Records
Management (DPRM) at kumander ng Task Group Human Resource ng Task Force SAFE
2013 na si Police Director Catalino Uy na ang pagtatalaga ng kanilang mga
tauhan ay alinsunod sa "Special Orders for their temporary detail."
(RER/DMS/PNP/PIA-Caraga)
Cebuano news: Malakanyang mianunsyo eleksyon
liquor ban magsugod Mayo 9 ngadto 13
By ni Susil D. Ragas
SURIGAO CITY, Mayo 8 (PIA) -- Gipagawas sa
gobyerno pinaagi sa internet infographic ang mahitungod sa gidili nga mga
ilimnom atol sa national ug local eleksyon karong Mayo 13, matud sa opisyales
sa Palasyo kagahapon.
Sumala ni Deputy Presidential Spokesperson
Abigail Valte kagahapon nga giawhag sa gobyerno ang katawhan sa pagbisita sa
Opisyal Gazette website nga http://www.gov.ph aron makakuha og mga impormasyon
kalabot na sa election liquor ban nga magsugod karong Mayo 9 (12:00 sa buntag)
hangtod Mayo 13 (11:59 sa gabii) karong tuiga.
Sumala pa ni Valte nga usa lamang kinika hamubo
nga pahibalo alang sa katawhan nga makita didto sa maong website nga
gikinahanglang mahibaw-an sa katawhan mahitungod sa liquor ban, nga ipahamtang
subay sa eleksyon karong umaabot Lunes.
Ang Philippine National Police estriktong mo
implementar niining maong nationwide liquor ban nga gipahamtang sa Commission
on Elections.
Ubos sa Section 261 sa Omnibus Election Code,
gidili niini sa binsan kinsa ang pagbaligya, pagpalit, pagtanyag, pagsirbi o
pag-inom og makahubog nga ilimnon atol sa oras sa liquor ban, apan kadtong mga
hotel ug uban pa nga mga establisyemento nga adunay sertipikasyon sa gobyerno
isip “tourist-oriented” mamahimong eksemted sa maong ban.
Apan ang maong balaodnon nagtugot usab sa
pag-inom sa mga makahubog nga ilimnom sulod sa pribadong panimalay lamang. Ang
mga turistang langyaw pwede mo inom sa makahubog nga ilimnom sulod lamang
niadtong mga eksemted nga mga establisyemento. (RER/SDR/PIA-Surigao del Norte)