Tagalog news: CSC inulit ang babala tungkol sa
pag-iinom sa loob ng mga silid pamahaalan
Ni David M. Suyao
AGUSAN DEL SUR, Mayo 29 (PIA) -- Ang dalawang
araw na pagbabawal sa pag inom ng alak noong halalan ay maaring natapos na
subalit inuulit ng Civil Service Commission (CSC) ang pagbabawal sa pag inom ng
nakalalasing na inumin sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Sinasaad sa CSC Resolution No. 1100039 na ang
pag inom ng may alkohol na inumin tulad ng malt, alak at nakalalasing na inumin
sa pinagtatrabahuan ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan sa panahon na may
trabaho ay pinagbabawal.
Sinabi ni CSC Chairman Francisco Duque na ang
pagkonsumo ng inuming may alkohol sa pinagtatrabahuan sa oras na may trabaho,
pati na ang pagpasok sa trabaho na lasing ay pinapalagay na isang administratibong
paglabag sa batas at naiiba sa paglabag sa itinuturing na "habitual
drunkeness."
Subalit papayagan ang paggamit ng may halong
alkohol na inumin kung may programa at rituwal tulad ng ceremonial toast at
pagpaparangal na lokal sa mga kaugalian at tradisyon. Sa ganoong pagkakataon,
ang inuming may halong alkohol ay limitado lamang sa inuming malt at alak at
ang pag inom ay hindi hahantong sa paglalasing na sinasaad bilang “kasiraan ng
matinong pag-iisip na magreresulta sa pagka wala ng control sa sarili at
pag-uugali o kaya aksyon o kilos.
Kapag may mangyayaring gulo na siyang resulta ng
ganoong pagkonsumo ng inumin, parehong ang hepe o opisyal ng tanggapan o kaya
ay empleyado na sangkot sa gulo ay mananagot.
Ang mga opisyal at empleyadong mahuhuli sa
aktong umiinom ng nakalalasing na inumin sa oras ng trabaho, pati na ang mga
pumapasok na lasing ay mananagot sa salang "Misconduct " at
parurusahan ng pagkasuspinde ng isa hanggang anim na buwan sa unang pagkakasala
at pagpapaalis sa trabaho sa pangalawawang pagkakasala. (DMS/PIA-Agusan del
Sur)
Cebuano News: Gobyerno prayoridad ang pagtubag
sa kakulangon sa classroom
Ni Susil D. Ragas
SURIGAO CITY, Mayo 29 (PIA) – Aron matuman ang
direktiba ni Presidente Aquino nga matubag ang kakulangon sa mokabat 66,800 ka
mga klasrom karong tuiga, mao kini karon ang gihatagan og prayoridad sa
Department of Education (DepEd) ug Public Works and Higways (DPWH).
Sumala ni Deputy Presidential Spokesperson
Abigail Valte ang gobyerno nahibalo sa panginahanglanon aron masara ang kal-ang
sa gidaghanon sa klasrom aron usab mahimong komportable ang mga estudyante og
makatoon sila pag-ayo .
Sumala pa ni Valte nga ang DepEd ug DPWH
nagsugod na karon pagtukod og dugang two-storey nga mga klasrom sa probinsya ug
Metro Manila.
Dugang pa Ni Valte nga lakip usab sa prayoridad
sa DepEd ang pagtubag sa kakulangon sa mga libro ug mga lingkuranan.
(PIA-Surigao del Norte)