Tagalog news: PNP, nagpahayag ng assessment para
sa May 13 poll sa Surigao del Sur
Ni Hyazel Rose M. Ampo
LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 4 (PIA) -- Inanunsyo ng
tanggapan ng Provincial Police Office ng Surigao del Sur sa pamumuno ni OIC
Provincial Director P/SSupt. Antonio Taylan Jr. ang mga kinakailangang
paghandaan upang bantayan ang mga boto sa gagawing May 13 polls sa nasabing
probinsya.
Ayon kay P/C Insp. Edwin Noguerra, PPO Operation
and Plans Chief, inaasahan nila na mapayapang maisagawa ang eleksyon sa kabila
ng mga insidenteng hindi kailanman maiiwasan.
Matatandaan na sumiklab na naman ang isang
election-related incident kamakailan lang sa bayan ng San Miguel na may 30
kilometro ang layo mula sa timog ng Tagum City.
Sa pagpupulong na isingawa ng Provincial Peace
and Order Council (PPOC) sinabi ni Noguerra na inagawan ng baril ang isang
mataas na opisyal ng lugar kung saan tahasang namang inamin ng mga rebeldeng
New People’s Army ang krimen.
Samantala, sa talumpati ni Nogouerra, idinidiin
nito na mas aktibo ang mga rebelde ngayon laban sa mga taong gumagawa ng
kabuktukan at kasamaan lalo na kung may pinapanigan silang mga kandidato
ngayong halalan.
Dagdag pa ni Noguerra na sa pakikipatulungan ng
Philippine Army at Commission on Elections at stakeholders, inaasahan nito na
maging maayos ang halalan at sinisiguro nitong ipapatupad ang Secure and Fair
Election (SAFE).
“The PNP, together with the Philippine Army,
Commission on Elections and other election stakeholders will be able to
implement its mandated task to ensure secure and fair elections (SAFE)”
(Ipapatupad ng PNP, kasama ng Philippine Army, Comelec at ilang mga
stakeholders ang kanilang mandato upang masigurong ligtas at patas ang
halalan), dagdag ni Noguerra. (RER/PIA-Caraga)